^

Pang Movies

Kakai nagbilad na rin ng katawan para sa promo ng concert

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kakai nagbilad na rin ng katawan para sa promo ng concert

Kakai

Pamatay ang poster ng Dental Diva na si Kakai Bautista para sa kanyang concert sa April 6, 2018, 8:00 pm sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

Ito ay selebrasyon ni Kakai sa kanyang 15th anniversary sa showbiz at bilang pasasalamat na rin sa lahat ng blessings.

Sabagay kahit sa kanyang Instagram account ay panay ang post ni Kakai na naka-swimsuit na hindi na shocking sa kanyang fans.

Walang pakialam ang komedyante basta enjoy sa kanyang trip na pagbibilad ng katawan. Mababait din ang fans dahil walang nangahas na i-bash ang komedyante at parang pinagbigyan na ang trip nito. Oh ‘di ba palaban si Kakai sa kaseksihan at hindi lang sa kantahan.

Hindi pa diyan natapos ha dahil dadalhin pa ni Kakai ang kanyang concert sa Japan. Ngayon pa lang ay nagparating na ng suporta ang mga Pinoy na manonood sila ng concert ng Dental Diva sa Land of the Rising Sun.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with