Jerome Ponce at Elisse Joson

Uy… Jerome at Elisse nagkakalapit uli
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Wow, Salve A., kung ang kontrobersyal na seryeng The Good Soon ang pag-uusapan dahil sa biglaang pagkawala ni John Estrada sa show, magiging mas kontrobersyal ito dahil sa pagiging ‘malapit’ sa isa’t isa ng mga character na ginagampanan nina Jerome Ponce at Elisse Joson.

Common knowledge na, at one time, naging mag-on ang dalawa. And right now, pareho na nilang nahanap ang kanilang respective new love. Si Jerome ay linked for a time sa popular volleyball player na si Mika Reyes. Si Elisse naman ang kasalukuyang ‘one and only’ ni McCoy de Leon, na napapanood din sa The Good Son.

In any case, ang tanong: Hindi kaya maging “daan” kina Jerome at Elisse na mahulog muli sa isa’t isa, ngayong muling nagiging malapit sila?

No need to remind everyone that rare closeness between opposite sex can spark a romance. More so, for the second time around.

Andi hindi nagpapa-istorbo!

At home na at home na, Salve A., si Andi Eigenmann sa pagiging single mom sa kanyang six-year old daughter na si Ellie.

Ellie’s dad, of course, ay si Jake Ejercito na anak ng Manila Mayor na si Joseph Estrada at ng former actress na si Laarni Enriquez.

Of Andi, as we all know, pass muna siya sa pagiging busy sa showbiz. Ini-enjoy daw niya ang peace at tahimik na oras sa beach na pag-aari ng kanyang surfer cum businessman boyfriend na si Emilio Arambulo. Two years na rin silang mag-on kaya at home at home na sa kanya (Emilio) si Ellie.

On the other hand, ask ko lang tungkol kay Jake, Salve A., natapos ba niya ang kanyang pag-aaral sa Singapore?

If my memory serves me right, Jake went to both London and Singapore for his tudies.

Loisa at Joshua wala nang pakialaman

In the case of Loisa Andalio and Joshua Garcia, mukhang malabo nang mag-spark muli ang pagtitinginan nila sa isa’t isa. Kahit pa nga malapit ang kani-kanilang karakter sa seryeng The Good Son.

Open book ang nagiging malapit sa isa’t isa noon nina Loisa at Joshua, na parehong naging housemate sa Pinoy Big Brother (PBB). Naging more intense ang samahan nilang dalawa nang magkasama sila sa serye with Vina Morales, Christian Vasquez at Denise Laurel.

Now, of course, both have each other’s new love. Si Loisa sa Hashtag member at kapareha niya sa ongoing episodes ng series na Wansapanataym, si Ronnie Alonte, at si Joshua naman, kay Julia Barretto.

Sunshine gusto namang magka-pelikula

Open din si Sunshine Cruz sa kanyang desisyon to no longer reconcile with her husband of 13 years, actor and now of the country’s tourism department chief operating officer, Cesar Montano.

The annulment proceedings of their marriage is ongoing. Hindi rin itinatanggi ni Sunshine na in love na siya sa businessman na si Macky Mathay, half-brother ng kanyang fellow actress and friend na si Ara Mina.

Nasa kanyang pangangalaga ang kanilang tatlong anak na babae, na pawang teenager na, Angeline Isabelle is 16; Samantha Angeline, 13 and Angel Francheska, 12.

Pawang sa pribadong eskwelahan nag-aaral ang mga bata. Kinakaya raw ni Sunshine.

Katatapos lang gawin ni Sunshine ang seryeng Wildflower, na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Gusto raw sana ni Sunshine na makagawa ng pelikula para sa kanyang susunod na assignment.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with