^

Pang Movies

Solenn at Erwan pitong araw ‘di kumain!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Worth it naman pala ang ginawang sakripisyo ng magkapatid na Solenn at Erwan Heussaff sa ginawa nilang 7-Day Water Fasting Challenge dahil na-feature sila sa British media company na Daily Mail.

Noong nakaraang February 12 ay sinubukan nina Solenn at Erwan na uminom lang ng tubig for 7 days. No solid food kung hindi tubig lamang.

Isang paraan ng bonding ng magkapatid ay ang makahanap ng iba’t ibang paraan para makadagdag pa sa kanilang healthy lifestyle.

Dahil pareho silang dedicated sa physical fitness, ang 7-Day Water Fasting ay isang paraan para matanggal ang mga toxin sa katawan at makatulong din na magbawas ng timbang.

Ipinakita sa isang video ang resulta ng water fasting nina Solenn at Erwan na ipinost sa social media. Malaki ang ipinayat nilang dalawa at mas lumitaw ang abs nila.

Kaya naman namangha ang Daily Mail sa ginawa ng Heussaff siblings at na-feature ang kanilang water fasting.

Ayon sa author ng Daily Mail na si Aoibhinn McBride, though maraming benefits, may mga pinagdaanan ding physical and mental difficulties sina Solenn at Erwan.

Pero ang resulta naman ay magandang lumabas kaya worth it ang pinagdaanan nilang hirap.

Ariella hindi sumama ang loob sa ginawang panliligwak ni Willie

Hindi naging malinaw ang sagot ni former Miss Philippines Universe Ariella Arida kung bakit bigla siyang nawala bilang co-host ni Willie Revillame sa game show na Wowowin.

Aminado naman ang former beauty queen na nami-miss niya ang show, pero tanggap daw niya ang mga rason kung bakit nawala siya.

“Dumarating talaga sa ganun, eh. Nami-miss ko na rin ‘yung show.

“Hindi naman masama ang loob ko. Naiintindihan ko ang lahat ng nangyayari.

“Malay mo one day, makita n’yo uli ako sa show na ‘yun?

“Pero sa ngayon, bakasyon muna. No hard feelings sa kanila. Sobrang thankful talaga ako,” sey lang ni Ariella.

Hindi lang kasi si Ariella ang tinanggal bilang co-host ng Wowowin. Kasama ring nawala sina Janelle “Kim Chi” Tee, Super Tekla, Donita Nose, Ashley Ortega, Yvette Corral, at Amal Rosaro.

Samantalang nagbigay naman ng advice si Ariella sa bagong batch ng Bb. Pilipinas ngayong 2018.

Nakaka-relate si Ariella sa candidates dahil pinagdaanan din daw niya ang kaba sa screening, training, at rehearsals.

Naging worth it naman daw ang lahat ng mapanalunan niya ang titulong Bb. Pilipinas-Universe noong 2013 at lumipad siya for Russia para sa Miss Universe kung saan nag-place siya as 3rd runner-up.

“Dapat enjoy lang nila. Pag nasa stage sila, do their best.

“’Pag nasa stage, dapat nasa fighting form ka na.

“And at the same time, alam ng mga tao na you’re having fun,” pagtapos pa ni Ariella Arida.

Kylie Jenner umalma sa bagong design ng Snapchat

Iba na talaga ang power ng reality star/make-up mogul na si Kylie Jenner sa social media.

Pagkatapos niyang i-tweet na hindi na niya nabubuksan ang kanyang Snapchat dahil sa redesign nito, biglang bumagsak ng 7 percent or $1.5 billion ang stock ng Snapchat.

Heto ang naging tweet ni Kylie:

“Sooo does anyone else not open Snapchat anymore? Or is it just me... ugh this is so sad.”

Pero baka naman daw coincidence lang ang pagbagsak ng stocks ng Snapchat sa pag-tweet ni Kylie. Marami rin ang hindi magandang feedback sa redesign ng Snapchat kaya maraming users ang bumitiw.

Isa kasi sa most active users ng Snapchat si Kylie na may 24.5 million followers sa Twitter at 104 million followers naman sa Instagram.

Bilang pambawi ni Kylie sa unang na-tweet niya about Snapchat, heto ang naging tweet niya: “Still love you tho snap ... my first love”.

Anyway, naglabas agad si Kylie ng bagong make-up line niya for Kylie Cosmetics. Ito ay ang Weather Collection na inspired ng kayang baby na si Stormi. Ilu-launch na ito sa February 28.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with