^

Pang Movies

Fans nagwala, Sharon at Gabby lantaran ang paghu-holding hands!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fans nagwala, Sharon at Gabby lantaran ang paghu-holding hands!

ShaGab

Nataranta na naman ang fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kahapon nang mag-post ng bagong mga larawan ang dalawa na magkasama. Dalawang bagong larawan ang posts nila pareho at sa isang post ay makikitang magka-holding hands pa sila na talaga namang ikinakilig nang bonggang-bongga ng kanilang fans.

Sa caption ni Gabby ay puro hashtags ang caption niya. “#goodvibes #goodvibes­only #forgiveness#goodolddays#holdinghands #wow #gabbyconcepcion,” ang mga hashtags ni Gabby.

Si Sharon naman ay isang simpleng “hello!!!” lang ang caption, at sa isa naman, “have a great day!”

Pareho silang walang anumang detalye na inilagay. Isang malaking palaisipan sa fans nila kung para saan ang mga bagong picture.

Hashtag Vitto ipinu-promote ang paggamit ng condom!

Ayaw magsalita ni Hashtag Vitto Marquez tungkol sa buntisan issue na kinasasangkutan ng dalawang miyembro sa grupo nila. “I’m not in the position to say anything about it,” ang bungad ni Vitto nang tanungin sa presscon ng Squad Goals na pelikula niya kasama ang mga #FBOIS group na sina Julian Trono, Jack Reid, Andrew Muchlach, at Daniel Huschka under Viva Films.

“Siguro po, everything happens for a reason and we just want to go on and do our work,” dagdag ng 21-year-old son of Joey Marquez and Alma Moreno

Ang lakas din ng tawa niya nang tanungin kung “maingat” ba siya. Pero aniya, everyone should practice naman safe sex daw talaga.

Showing na ngayong summer ang Squad Goals mula sa direksyon ni Mark Meily.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with