Billy at Coleen handa na sa kasalan!
Billy at Coleen handa na sa kasalan!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 5, 2018 - 12:00am

All is set na raw sa nalalapit na kasalan nina Billy Crawford at Coleen Garcia ngayong summer. Kung may hindi pa man kumpleto, ito raw ay ang kanilang guest lists, ani Billy.

Kay Coleen napa­taw, ang pag-aasikaso ng lahat ng detalyeng may kinalaman sa kasal. After all, wika nga ni Billy, “more than my event, it’s Coleen most important day.”

Kung sa bagay, this early, kitang-kita ang excitement, not to say, satisfaction na nada­rama ni Coleen sa nalalapit nilang kasal ni Billy. Ang it looks like magiging mabait na asawa si Billy.

Suwerte rin sa kanyang showbiz career si Billy, dahil pagkatapos ng Little Big Shots, may kapalit kaagad siyang ihu-host na show, ang Pilipinas Got Talent (PGT), kung saan si Toni Gonzaga pa rin ang kanyang co-host.

PGT, which is now on its sixth season, will have for its panel of jurors, former ABS-CBN President and CEO Freddie Garcia, Robin Padilla, Angel Locsin, at Vice Ganda.

Ate Vi, Kapamilya na ang turing kay Jessy

Lucky girl naman, Salve A., itong si Jessy Mendiola, since this early, ang turing na sa kanya ng pamilya ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano, particularly ang Mom ni Luis na si Lipa Representative Vilma Santos-Recto, she is one of them na.

Pangalawang Christmas at New Year na palang nakipag-celebrate si Jessy sa pamilya Recto. And they all enjoyed her company raw, according to Ate Vi.

Simple lamang ang wish nina Ate Vi at Luis para sa lahat, including her constituents in Lipa City, na lahat tayo ay maging safe, masaya at maging positive sa outlook natin in life.

Amen, Ate Vi.

She has no particular personal wish for Luis. Hope niya lang daw he makes good decision, both in his personal and professional life.

Marlo matupad sana ang dasal na gumaling ang ina

Ang ganda na­man ng gesture na gina­wa ng kanyang mga kasamahan sa programang Umagang Kay Ganda (UKG) kay Marlo Mortel, nang magdiwang ito ng kanyang kaarawan Thursday.

Binigyan siya ng party ng kanyang mga ka-grupo sa programa. At saksi ang manonood na enjoy ‘di lang si Marlo, kung hindi lahat ng involved sa UKG.

Pangatlong beses na raw na gina­wa ito sa kanyang kaarawan ng UKG and he is just so grateful, paulit-ulit na saad ni Marlo.

Sana nga, pakinggan din ang dasal ni Marlo na tuluyan nang gu­ma­ling sa kanyang sakit na cancer ang kanyang ina.

Kim biniyayaan ng swerte sa career at lovelife!

The year 2017 was a good one for Kim Chiu, dahil nagkaroon siya ng album (Touch of Your Love for Star Music), pelikula (The Ghost Bride) at teleserye na hanggang ngayon ay umeere pa, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Bukod sa mga ito ay aktibo rin sa sports si Kim at nakasali pa sa marathon.

Last year din ay natupad ang pangarap ni Kim na makapunta sa Denmark para masaksihan ang northern lights.

Sinamahan siya roon ni Xian Lim.

Before 2017 ended, Kim was able to bring her entire family to Hong Kong.

“Blowout ko sa kanila,” ani Kim na masayang-masaya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with