Aktor binilhan ng Mercedes Benz ng bagong GF!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 15, 2017 - 4:00pm

Bongga ang isang aktor, naka-jackpot sa bagong girlfriend na hindi masyadong maedad at sexy pa.

Binigyan si actor na hindi na masyadong sikat at wala na halos career ng Mercedes Benz. Yup ng isang luxury car na kung ilang milyon din ang halaga.

Kaya ‘wag magtaka kung magpaparamdam uli ang aktor na ito sa showbiz na nasa marrying age na as in lahat ng mga naging girlfriend niya ay nagsipag-asawa na, pero siya nananati­ling single. May koneksiyon sa pagpapaganda ang kanyang bagong ‘mama.’

Erich Gonzales

Erich hindi mailantad ang bf na sobrang yaman!

Isa pang naka-jackpot ay si Erich Gonzales na bida sa pelikulang Siargao.

May non-showbiz boyfriend na pala ito ayon sa isang source. Isang mayamang negosyante na bawal pang banggitin ang pangalan.

Pero official na raw ang dalawa at hindi pa natatagalan.

Kabaliktaran ito sa lovelife ng ex niyang si Daniel Matsunaga na super in love sa Polish model niyang girlfriend na dumating sa bansa kamakailan na lantaran.

Tiyak na ang nasabing boyfriend ni Erich ang mangunguna sa panood ng filmfest entry niyang Siargao with Jericho Rosales and Jasmine Curtis na idinirek ni Paul Soriano.

 “Well it’s nice to be back and to do a movie na… nakaka-excite ito yung story mismo. And then siyempre yung setting niya, one of the beautiful destinations in the country and swerte tayo na napasali rin siya sa Metro Manila Film Festival,” say ni Erich sa kanyang pelikula sa MMFF 2017. Taong 2014 siya huling napasali sa filmfest - Shake Rattle and Roll.

Magsisimula itong mapanood sa mga sinehan sa Pasko.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with