^

Pang Movies

Sen. De Lima neighbors na sina Jinggoy at Bong!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

“Neighbors” na ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sina ex-Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. at ang kanilang bagong kakosa, si Senator Leila de Lima.

As of presstime, hindi ko pa alam ang selda na pinaglagyan kay De Lima pero hindi naman siguro katabi ng detention cell nina Papa Jinggoy at Bong or else, baka maghalo ang balat sa tinalupan.

Short but not sweet ang reaksyon ni Bong sa pag-aresto sa former justice secretary na nagpakulong sa kanila ni Papa Jinggoy. Ang sabi ni Bong, “Ngayon naramdaman mo na rin kung ano ang naramdaman namin at ng aming pamilya.”

De Lima pang best screenplay ang mga pinakawalang dialogue

Kumbaga sa teleserye, si De Lima ang lead actress at wala nang iba pa sa pag-aresto sa kanya ng CIDG-NCR  team sa parking lot ng Senado.

Hindi nabigo ang mga sumubaybay sa pagdakip kay De Lima dahil hanggang sa huli, makukulay ang mga salita na pinakawalan niya na puwedeng mag-win sa best screenplay category ng mga award giving body. Ang pagkakaiba lang, for real at hindi for reel ang mga ganap kahapon.

Sari-sari ang reaksyon ng mga Pinoy tungkol sa pagdakip at pagkakakulong ni De Lima. May mga feeling sad pero mas marami ang rejoicing.

Mark kalahating taon magtatrabaho sa Amerika

Anim na buwan na mawawala sa bansa si Mark Bautista dahil sa musical play na Here Lies Love na itatanghal sa Seattle.

Masayang-masaya si Mark dahil siya pa rin ang napili na gumanap sa role ni former President Ferdinand Marcos na unang ginampanan niya sa London noong 2014.

May mga babaguhin sa musical play na tungkol sa buhay ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos kaya kailangan ni Mark na mag-rehearse.

Bukas na ang biyahe niya sa New York dahil sa Lunes, February 27, ang umpisa ng rehearsals niya para sa Here Lies Love.

 Barbie nakipagbiritan kay Regine!

Biglang pinalitan ng GMA-7 ang second episode ng Full House Tonight na mapapanood ngayong gabi.

Ang guesting ni Lovi Poe ang original plan na ipalabas pero nagkaroon ng pagbabago dahil si Barbie Forteza at ang leading men niya sa Meant to Be ang matutunghayan sa musical variety show nina Regine Velasquez at Solenn Heussaff.

aff.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with