^

Pang Movies

Bela puring-puri si Zanjoe

HAYUP SA GALING - Lanie B. Mate - Pang-masa
Bela puring-puri si Zanjoe
Bela Padilla at Zanjoe Marudo

Kaloka ang request ng mga fans ni Bela Padilla sa kanyang bagong teleserye na My Dear Heart na huwag siyang mamamatay sa kanyang role.

Takot na kasi ang kanyang mga tagahanga na matulad ang role ni Bela sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Maraming nakapansin na may chemistry daw agad sina Zanjoe Marudo at Bela na nababalitang sila na in real life. Tanggap nila ang bagong ka-love team ng aktor na malaki ang hawig kay Bea Alonzo.

Siyempre all praises si Bela kay Zanjoe sa isang interview at sinabing mahusay ang aktor sa kanilang mga eksena. Sexy din ang description ni Bela kay Zanjoe sa lahat ng interview nito. Ang ibig bang sabihin nito ay type talaga niya si Zanjoe? Biro ng fans na hindi nakapalag si Bela sa malakas na kamandag ni Zanjoe.

Samantala, bilib din si Bela sa kahusayan ng senior actress na si Coney Reyes.

Kaya thankful si Bela na nakasama siya sa cast ng My Deart Heart at marami raw matutunan ang televiewers sa bagong palabas ng primetime bida ng Kapamilya network.

Pakiusap naman ni Bela na huwag idamay ng bashers ang kanyang ex na BF na si Neil Arce.

Pero may comment na ang fans na sinasabing nagparaya si Neil para lang kay Bela.

Request pa ni Bela na siya na lang ang siraan o i-bash dahil ayaw niyang masaktan si Neil kapag nakabasa ito ng negatibong comment o item kahit sa social media.

vuukle comment

ZANJOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with