^

Pang Movies

Angeline pinamigay na si Erik sa ibang babae!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Angeline Quinto na siya ang may problema kung bakit hindi nagtuluy-tuloy ang relasyon nila ni Erik Santos.

“’Yung isip kasi ni Erik ngayon o ‘yung gusto niyang mangyari sa buhay niya ngayon, gusto na niyang mag-asawa. Hindi pa ako ready sa ganu’n kasi. So, medyo du’n kami hindi nagkakasundo.

“Kasi alam naman niya na priority ko talaga ‘yung trabaho. Siguro okay na ako kung settle na lahat talaga,” paliwanag ni Angeline nang makatsikahan ng entertainment press sa presscon ng Foolish Love, ang first movie niya ngayong taon at una ring pagsasama nila ni Jake Cuenca.

Dagdag pa ni Angeline, alam daw naman ni Erik na hindi pa siya talaga ready to settle down dahil sinasabi rin naman daw niya ito parati sa singer.

“Kasi everytime na sinasabi sa akin ni Erik na ready na siya, nasa tamang edad na siya, ako lang din naman ang nagsasabi na ‘kung gusto mo talaga, eh di sa iba’. Pero sa akin po kasi, hindi ko po talaga kaya ngayon.”

Kwento pa ni Angeline, everytime raw na nakakakita ng bata si Erik ay gusto na nitong magkaanak at lalong hindi pa raw siya talaga ready sa mga ganun’g bagay.

Pero nilinaw niya na hindi naman daw galit sa kanya si Erik tulad nang iniisip ng iba.

Sa ngayon ay loveless si Angeline pero nage-entertain naman daw siya ng suitors.

“Kung halimbawa nga na nanliligaw pa lang siya sa akin, hindi na ako makasama lagi pag niyayaya ako, what more kapag ano (may relasyon na).”

Trabaho raw muna ang drama niya at ngayong 2017, gusto niyang subukan ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa sa kanyang career tulad nga sa pelikulang Foolish Love kung saan ay pumayag siyang makipaglaplapan kay Jake Cuenca.

Under Regal Films, showing na sa Jan. 25 ang Foolish Love mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Kasama rin sa movie sina Tommy Esguerra at Miho Nishida (ToMiho).

Jake naalala ang pinagmulan dahil kay Angge!

Kahit marami nang karanasan si Jake pagdating sa pag-ibig, nang makatrabaho niya si Angeline sa Foolish Love ay may isang bagay pa rin daw siyang natutunan sa singer.

“Mas naging grounded ako nang makatrabaho ko si Angeline. Kasi siguro (dahil) nag-aral ako sa States, ‘yung last girlfriend ko, hindi taga-rito.

“So for a while, parang naging medyo foreign ‘yung naging pag-iisip ko na wala namang mali du’n, pero working with Angeline in the set, parang it reminded me of my roots, kung saan ako nagsimula – dito. Kung ano talaga ako – Pinoy.

“So, parang ‘yan ‘yung isang magandang bagay na nakuha ko sa buong experience nung pakikipagtrabaho ko kay Angeline.

“Music pa lang, pinapatugtog niya, OPM lahat. Hindi ako nakikinig sa OPM pero nung nakatrabaho ko siya. . .

“So parang ‘yung buong experience, in a way, na-remind ako to keep myself grounded and always remember kung saan ako nanggaling which is here,” pahayag ni Jake.

So, if ever na magkaroon siya ulit ng bagong girlfriend, Pinay na ulit?

“Ay ako naman, walang specific type, kung magustuhan ko, magustuhan ko,” he said.

Natuwa naman si Angeline sa naging pahayag ni Jake sa natutunan sa kanya at komento niya, “ang galing nu’n, ang galing”.

Biro nga ni Angge, baligtad daw sila dahil natutunan naman niyang mag-English dahil kay Jake. Ha-ha-ha!

vuukle comment

ANGELINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with