Miss U exclusive sa GMA!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 17, 2016 - 12:00am

Sa pagtatapos ng taon, sunud-sunod ang malalaking panoorin sa GMA7.  Kababalita lamang sa GMA News TV kahapon ng umaga na nagkapirmahan na ng contract ang GMA Network at ang Solar Entertainment ni Wilson Tieng at sila ang exclusive na magpapalabas ng 2017 Miss Universe beauty pageant na gaganapin dito sa ating bansa.  Sila rin ang exclusive na magri-replay nito pagkatapos ng pageant sa January, 2017.  Sa SM Mall of Asia ito gaganapin at nakakagulat ang prices ng tickets pero sabi ay marami na ang bumibili nito online.

Sa GMA 7 din mapapanood ang Miss World 2016 beauty pageant sa December 19 on a delayed telecast sa Monday, December 19, 8:00 AM.  Repre­­senting the Philippines si Catriona Gray, na kasama sa Top 10 in rank sa Talent Competition at top contender din sa Beauty with a Purpose prize.  Pabo­rito rin si Catriona ng many pageant sites around the world.

Ang ating first-ever Miss World Megan Lynne Young ang host sa grand coronation night na gagawin sa Washington D.C., USA.  No wonder na nami-miss ng mga televiewers si Megan na gumaganap na si Sarri sa Alyas Robin Hood na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng Encantadia.

#PaskongKapuso nagpayanig!

Christmas atmosphere na pagpasok mo pa lamang sa Studio 7 ng GMA Network, Inc. Annex dahil sa kanilang #PaskongKapuso2016 para sa mga entertainment press.  Marami sa mga kasama namin came in their best party outfit para sa Best Dressed at may kaukulang prize ito.  Umaapaw ang pagkain, may traditional puto bumbong at balot/penoy pa dahil Simbang Gabi na nga at may red wine rin.

Si Atty. Felipe L. Gozon, Chairman and CEO ng network, ay nagpasalamat sa mga press sa suportang ibinigay nila hindi lamang ngayon kundi sa mga nagdaan pang mga taon.  Ipinahayag din niyang ang GMA na ang nangunguna sa rating sa server nilang AGB Nielsen at nakikita mo nga ito sa NUTAM or national ratings na inilalabas nila.

Inamin din ni Atty. Gozon na mas malaki ang kita nila sa mga taong ito, kaya naman hindi sila nagkait na i-share ang blessings sa entertainment press sa pamamagitan ng #PaskongKapuso2016.

Hosted by Chynna Ortaleza-Cipriano at Nar Cabico, nagkaroon din ng ilang song and dance numbers at may mga artist ang tumulong sa raffle at prog­ram proper. Ipinakita rin ang 2017 first quarter Telebabad omnibus plug na ipinakita nang buo sa 24 Oras kagabi at mapapanood ito sa iba’t ibang programa ng GMA 7.

 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with