^

Pang Movies

Gusto pang magka-apo Mommy Pinty pabor na mag-asawa na rin si Alex!

Jun Lalin - Pang-masa
Gusto pang magka-apo Mommy Pinty pabor na mag-asawa na rin si Alex!
Alex

MANILA, Philippines – Kahapon ay inusisa namin ang mother cum manager ni Alex Gonzaga, si Pinky Gonzaga, tungkol sa “Mikee” na napapabalitang boyfriend ng bunsong anak niya.

Ayon kay Mommy Pinty, ang alam niya ay, “Exclusively dating sila as of now!”

Tatanungin nga raw ni Mommy Pinty si Alex tungkol sa latest status ng kanyang bunso pagkatapos ng meeting niya kahapon. “I will ask her, meeting lang ako now, Jun, dito sa Ortigas.”

“Ay, bongga, okey na sa ‘yo, Mommy Pinty, na may ka-exclusive date si Alex?” pang-uusisa pa namin sa nanay ni Alex.

“Okey lang, nasa right age na rin naman siya. Okey na nga rin sa akin kung mag-asawa na siya, masarap may apo. Para masaya, ‘di ba?!” sagot ni Mommy Pinty na ikinagulat talaga namin.

Seryoso na nga kaya ang status nina Alex at ng “Mikee” na ‘yon para maging ganoon ang reaksyon ni Mommy Pinty?!

Well…

Anyway, tinanong namin si Mommy Pinty kung ano talaga ang first name ng lalaking nali-link sa kanyang anak at Michael daw.

“Mikee ang nickname,” dagdag pa ni Mommy Pinty.

Robin kinakaawan dahil sa US visa

Kahapon ay inusisa rin namin si Betchay Vidanes tungkol sa alaga niyang si Robin Padilla.

Tinanong namin si Betchay kung okey na ba si Robin pagkatapos manganak noong Monday ang misis na si Mariel Rodriguez sa Amerika.

Hanggang sa huling sandali kasi ay umasa si Robin na mabibigyan ng U.S. visa para makasama ang misis sa panganganak, pero hindi nga natupad ‘yon.

“Of course, hindi talaga okey, pero okey na rin naman. Napanood mo ba ‘yung video na halos umiiyak siya?!” sabi pa ni Betchay.

Aware raw si Robin na maraming naaawa na hindi siya nakakuha ng U.S. visa para makapiling ang misis sa panganganak.

“Lahat na lang ng paraan, ginawa na. Marami nang tumulong, pero wala talagang nangyari,” sabi ni Betchay.

Ang tanging consolation nga lang ni Robin ay maraming nakikisimpatya sa kanyang situation.

MOMMY PINTY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with