Pangako nina Daniel at Kathryn, matatapos na
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 25, 2016 - 9:00am

Excited kami, bagama’t a bit na nanghihinayang sa nalalapit na pagtatapos ng isa sa primetime series on ABS-CBN na aming sinusubaybayan. At ito ang  Pa­nga­ko Sa ’Yo, which is now, we heard, is on its last three weeks sa himpapawid.

Excited kami na mapanood how both Jodi Sta Maria, as Amor Powers, and Kathryn Bernardo, as Yna Macaspac, will react, when finally the two of them discover na mag-ina pala sila.

Wonder too, kung ano’ng magiging damdamin ni Ian Veneracion, as Eduar­do Buenavista, once nabisto niyang si Yna pala ay anak nila ni Amor?

E, ‘di ba ang alam niya all the while siya ang ama ni Angelo (Daniel Padilla).

E, ‘di nangangahulugan itong magkapatid pala sa ama sina Yna at Angelo.

Wow, the suspense, no doubt, in Pangako… is thickening. Wonder how all these problems in the series will be resolved (by the writers, of course)?

KathNiel may pelikula kasama si Vice?!

Of Kathryn, first mature role pala niya ang maging si Yna Macaspac. Kaya, nag-effort daw talaga siya, considering nga naman na in the book one ng Panga­ko…, ang gumanap ng role ni Yna ay si Kristine Hermosa.

Si Jericho Rosales naman ang gumanap na Angelo sa original series.

For her second project after Pangako…, Kathryn said she was told she and Daniel will be doing a movie.

Ito kaya ang pelikulang binanggit ni Vice Ganda sa kanyang recent victory blowout na pagsasamahan nila ni Daniel?

Xian nakahanap ng ‘kakampi’ kay Kim

Xian Lim appreciates getting the much-needed moral support from his peren­nial ka-love team, Kim Chiu, when, left and right, nakakatanggap siya ng kung anu-anong intriga at mga masasakit na comment, simply because of his inclusion in the Star Cinema movie, Everything About Her, co-starring him with Batangas Governor Vilma Santos and Angel Locsin.

Kesyo wala raw siyang “K” (for karapatan) to be in the movie, dahil hindi naman daw siya magaling na artista. At considering na ang yabang-yabang daw niya, mahihirapan siyang i-handle ng direktor na si Joyce Bernal.

Tiyak, magiging liability daw siya ng pelikula.

Mga akusasyon itong pawang itinanggi nina Ate Vi, Angel, at Direk Joyce, during the presscon for Everything About Her. If at all, they found him pleasant to work with.

Oo nga at may mga eksenang paminsan-minsan ay nahirapan siyang gawin. But always, nandun sina Direk Joyce, Angel, at Ate Vi, to lend him a helping hand.

As Kim said: “Let’s give the guy a chance to prove his worth as an actor.

“Hindi pa man siya napakagaling na artista, tiyak hindi niya ipapahiya ang sarili na magampanan ng mahusay ang kanyang role. Already, I’ve received words from those who have seen the rushes of Everything About Her that Xian was not only good, but truly a revelation in the movie.’’

As of this writing, hindi pa tiyak kung dadalo si Kim sa premiere ng Everything About Her tonight, sa Megamall. Pero ang tiyak na ay ang pagkakaroon nila ng bagong series na The Story of Us, which will hit the small screen, according to Kim, in March.

Benjie todo ang suporta kay Andre

Grabe ang paghanga ni Benjie Paras sa anak na si Andre Paras, who both heads the cast of the upcoming movie, Girlfriend For Hire, and the series, That’s My Amboy.

Girlfriend…, a Viva Films presentation, co-stars Andre with Viva Artists Talent, Yassi Pressman. And ang teenage actress naman na si Barbie Forteza ang kapareha ni Andre sa That’s My Amboy, produced by GMA 7.

Halos wala na raw pahinga si Andre, since noong sinu-shoot niya ang Girlfriend…, nagte-taping din siya for his katatapos na series na The Half Sisters, co-starring her, too, with Barbie.

Benjie himself is in the series, And I Love You So, who also include in the cast Tonton Gutierrez, Angel Aquino, Dimples Romana and teenage stars Julia Barretto, Miles Ocampo, Francis Magundayao, Kenzo Gutierrez, at Iñigo Pascual.

 

 

ACIRC AMOR POWERS ANDRE PARAS ANG ANGELO ATE VI DIREK JOYCE EVERYTHING ABOUT HER MY AMBOY YNA YNA MACASPAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with