Nagbakasyon pa sa New York Paolo at LJ maligayang-maligaya sa kanilang relasyon
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 5, 2016 - 9:00am

Uulitin ko, hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga alaga ko kaya wala akong masasabi tungkol sa pagmamahalan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Basta ang alam ko, maligaya sila at may karapatan na maging masaya. Parehong walang sabit sina LJ at Paolo.

Matagal nang hiwalay si Paolo kay Lian Paz at ganoon din si LJ kay Paulo Avelino.

Nabalitaan ko na magkasama na nagbakasyon sa New York sina LJ at Paulo at ebidensya ang mga litrato nila.

Nasa legal age na sina LJ at Paolo. Hayaan natin na sila ang magsalita tungkol sa kanilang relasyon na hindi na kailangan ng pag-amin dahil kitang-kita naman sa mga litrato ang happiness nila. Sana nga, forever na ang kanilang pagmamahalan at humantong ito sa kasalan.

Candy gustong palayuin ang ex hubby, Benjie hindi na bitter kay Jackie Forster

Good vibes si Benjie Paras ngayong 2016 kaya wala siyang tao na sasabihan ng “Lumayo Ka Nga Sa Akin”.

Kahit ang kanyang ex-wife na si Jackie Forster, hindi pagsasalitaan ni Benjie ng pamagat ng Viva Films movie na showing sa mga sinehan sa January 13.

Hindi naman katulad si Benjie ni Candy Pangi­linan, ang leading lady niya sa unang episode ng pelikula. Nagbiro kasi si Candy sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na ito ang sasabihin niya sa kanyang ex-husband.

Nagsanib-puwersa sina Benjie, Candy, Maricel Soriano, Herbert Bautista, at Cristine Reyes dahil sila ang mga star ng Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Nawala ang pagka-mestiza, Pia ang lakas ng dating sa mga TV guesting sa Amerika

Confidently beautiful si Pia Wurtzbach sa mga guesting niya sa American television shows.

Malaking tulong sa confidence ni Pia ang Miss Universe crown and sash na kanyang suot habang iniinterbyu siya ng mga TV host na napapanood lamang niya noon sa TV. Ngayon, beso-beso at tsika-tsika na siya sa mga popular na American television host.

Napansin ko na Pinay na Pinay na ang hitsura ni Pia. Nawala ang kanyang pagi­ging mestizo bilang half-German siya.

Positive ang epekto ng reinvention na ginawa kay Pia ng kanyang mga mentor dahil nangibabaw ang gandang Pilipina niya. Siya ang unang napapansin sa hanay ng mga mestisang babae tulad ng nangyari sa coronation night ng Miss Universe 2015.

Walang masingitan sa tambak na trabaho, Alden malabong magka-teleserye

Nagbabu uli sa Pilipinas si Alden Richards dahil lumipad siya kahapon pa-Dubai para sa kanyang concert sa January 7.

Mula sa Eat Bulaga studio sa Broadway Centrum, tumakbo agad si Alden sa NAIA dahil 5:30 p.m. ang flight niya pa-Dubai.

Nag-alala nga ang kanyang mga kasama na baka hindi siya umabot dahil 8:30 p.m. ang original flight na biglang naging 5:30 p.m.

Pagkatapos ng concert niya sa Dubai, hindi muna babalik sa Maynila si Alden dahil may show pa siya sa Qatar. Ganyan ka-hectic ang kanyang schedule pero never na maririnig na nagrereklamo si Alden dahil gustong-gusto niya ang mga ginagawa.

Si Alden na ang busiest actor mula nang maging co-host siya ng Eat Bulaga hanggang sumikat ang love­team nila ni Maine Mendoza.

Asahan natin na mas magiging abala ang 2016 ni Alden dahil sa tambak na inquiries at projects para sa kanya kaya mahirap sagutin kung kailan siya magkakaroon ng bagong teleserye sa GMA 7.

ACIRC ANG BENJIE DAHIL DUBAI EAT BULAGA JACKIE FORSTER KANYANG LUMAYO KA NGA SA AKIN MGA SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with