Porke nagbigay ng opinion kay Duterte Gary V at mga anak takut na takot, kabi-kabilang death threats na ang natatanggap
- Vinia Vivar (Pang-masa) - December 16, 2015 - 9:00am

Sa repeat concert ng Gary V. Presents na ginanap sa Resorts World last Tuesday night (Dec. 15) ay ipinahayag ni Gary Valenciano bago magtapos ang show kung gaano siya ka-proud sa kanyang panganay na anak na si Paolo Valenciano sa ginawa nitong pagtatanggol sa kapatid na si Gab Valenciano for voicing out his opinion on presidentiable and Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Matatandaang noon Dec. 6 ang nag-post si Gab sa kanyang Facebook account ng kanyang opinyon kay Duterte.

“Wisdom. Pure wisdom. Respect for Kitchie has quintupled.

“Would you hire a murderer to look after your kids? Would you invite a thief to look after your home? In this case, would you, who was born and raised a Filipino with the values and morals set and taught to you by past ge­nerations, appoint a president who completely rejects the morals we Filipino’s are known for? Family. Faith. Tact.

“I’m sorry, but leadership does not justify compromise.

“This is the sad reality. The Philippines’ greatest weakness isn’t the government anymore, it’s the people who so eagerly, desperately and blindly fall for anything that looks and sounds good. No doubt, Duterte is a leader who leads, and leads well. But what about the model and nature in which that leadership is put across? Doesn’t that matter anymore? I respect him for his honesty and eagerness to lead our country back on track, but I cannot support his morality.

“No matter how great you are at what you do, your character is what will define you and what you leave behind when everything is said and done.

“Kudos, Kitchie. Kudos,” ang mahabang post ni Gab na kasalukuyang naka-base ngayon sa US.

Dahil dito ay katakut-takot na pangba-bash ang inabot ni Gab mula sa mga netizens kaya naman to the rescue ang kanyang kuya at ipinagtanggol siya sa Twitter account nito.

Kaya naman say ni Gary V. sa kanyang spiel, nagpapasalamat siya sa panganay na anak for standing up by his brother at ipinahayag din niya ang solidong suporta niya sa kanyang pamilya.

After the concert ay nakausap namin si Pao at tulad nga ng post niya sa Twitter, aniya ay hindi man siya totally 100% umaayon sa mga opinyon ni Gab, but still, a family is a family and no matter what happens, ang suporta niya ay sa kanyang pamilya.

Ayon kay Paulo, sobra naman daw ang response ng mga tao sa post ni Gab.

“The backlash is very bad. And even ‘yung mga supporters ni Duterte, parang pinagsasabihan din sila na sobra naman. Sinasabi kasi nila na ‘pag pumunta siya (Gab) sa Davao, babarilin daw siya, tapos, parang ‘yung isa, sabi, sana raw ma-rape ‘yung asawa ni Gab para raw ma-appreciate niya ‘yung gustong mangyari ni Duterte,” sabi ni Pao.

“So I had to say something and even though I didn’t agree to everything that he said, siyempre, he’s my family, eh, before anything, kailangan kong i-defend ‘yung pamilya ko, whether or not he’s right or he’s wrong kung sobra naman ‘yung res­ponse, kung bastos naman talaga ‘yung mga tao, kailangan ko talagang ipagtanggol,” dagdag pa ni Paolo.

Naapektuhan na rin ba ang buong pamilya nila dahil dito?

“We don’t talk about it so much but I know they are affected. Only ‘coz maraming bastos na respond. Alam mo ‘yung pinagmumumura kami, tapos pag tiningnan namin ‘yung account nila, from Manila, from Bicol, mga ganu’n. So, we can’t generalize naman na lahat, taga-Davao, and I think, that was one of my mistakes na online sinabi ko na some Davaoenos, nagalit sila agad sa akin, pinagmumura rin ako kasi sabi nila nag-generalize daw ako na just because supporters ni Duterte, automatically taga-Davao. So right now, I’m very careful with what I’m saying.

“I’m not generalizing. Pero like I said to the people online, it doesn’t matter who you for, whether for Mar (Roxas), Duterte, Binay, kung mali ka, mali ka. Kung bastos ka, bastos ka.

“And they shouldn’t be defensive na ganu’n. Kasi mayroon din namang supporters si Mar na bastos din, meron din si Binay na supporters na ganu’n din.

“It’s not tulad ng sinabi ng bashers namin na pinag-iinitan daw namin si Duterte which is not the case. I even said that I kind of like him (sa Twitter),” pahayag pa ng panganay na anak ni Gary V.

Aminado rin si Pao na natakot siya sa mga death threats na natanggap nila.

“Although marami ang nagsasabi na empty threats lang ‘yun, nakakatakot pa rin to walk around in public kasi hindi mo alam kung sino ‘yung nagtu-tweeet nang ganu’n, eh. Kahit sabihin mong empty threats siya, hindi mo alam talaga, baka bigla akong sampalin, suntukin or basagin ‘yung window ng kotse ko or something. ‘Yun ‘yung nakakatakot. And because nga of so many supporters, it is a little scary. And when I saw the response, those threats to him, I was afraid for my brother.”

Pero siyempre, dahil nasa Los Angeles si Gab at sila ang nandito, sila ang mas maapektuhan ng mga death threats.

“So, I texted his wife na baka pwedeng for our sake, just let it cool down first sa post. It is not a very safe time. We’re not immune from everything that’s going on right now,” say ni Pao.

Baka raw kasi dahil nasa US si Gab, hindi nito alam kung gaano na kalaki ang issue.

Samantala, ang Gary V. Presents concert na ginanap last Tuesday night ay pangatlo nang repeat due to insistent public demand. At sa totoo lang, sa dinami-dami ng concerts ni Mr. Pure Energy na napanood namin, this was one of the best. Ang ganda ng show at sobrang nag-enjoy kami.

Isa sa most-applauded number ang showdown nila ni Mitoy Yonting na talaga namang biritan kung biritan. In fairness to Gary, wala pa rin siyang kupas at talagang nakasabay sa taas ng boses ng The Voice of the Philippines Season 1 grand winner.

ACIRC ANG DAVAO DUTERTE GAB GARY V KUNG MGA PAO SIYA YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with