Max kinakarir ang pagtugtog ng violin
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 8, 2015 - 9:00am

Ibinalita ng Kapuso leading lady na si Max Collins na natuloy na ang shooting niya para sa international movie niya na ang dating title ay Remembering Ada.

Pinalitan na raw ang title nito to Footprints on the Moon (Mga Apak Sa Buwan) at nagsu-shoot na sila ngayon sa Ilocos Norte.

Mula ito sa direksyon ni Jan Xavier Pacle.

Noong unang in-announce ang project na ito last year, si Alden Richards ang leading man ni Max. Ngayon ay pinalitan na si Alden dahil sa hectic schedule nito ngayon.

“Si Jess Mendoza na ang pumalit kay Alden. Jess has been coming out na sa mga indie films.

“Sayang nga because when the project was launched, si Alden ang nasa role as Franz Dimayuga. Siyempre ngayon, iba na ang takbo ng career ni Alden. Sobrang busy na siya ngayon.

“I’m happy for Alden at sa mga natatanggap niyang blessings nga­yon. Siguro nga everything happens for a reason. Hindi lang siya siguro meant na matuloy sa movie na ito,” sey pa ni Max.

Sa second week of January 2016 ang shooting nila sa bansang Qatar.

Para sa role as Adeline Tanglao, nag-aral pa si Max kung paano tugtugin ang violin.

“I hired a private teacher to really teach me how to play the violin flawlessly.

“Pinanood ko pa ‘yung movie na Music of the Heart ni Meryl Streep kasi someone suggested that to me. Ang galing ni Meryl sa role niya and you would really think na professional violin player siya.”

Kasalukuyang walang teleserye pa si Max pero nasa comedy series naman siya na Juan Tamad kunsaan siya ang leading lady ni Sef Cadayona.

Close na agad Matteo at Alden, nag-exchange gift sa isang event

And speaking of Alden, nakakatuwa naman ang naganap sa kanila ng Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli nang magkasama sila sa isang event ng Boardwalk Philippines na Walk to Share.

Parehong prime endorsers ng Boardwalk ang dalawang aktor at nakakatuwang makita na walang ilangan sa dalawang ito noong pareho silang nagsama sa stage.

Ang maganda pa raw ay nagpalitan ng albums ang dalawa bilang regalo nila sa isa’t isa.

Binigyan ni Alden si Matteo ng autographed Platinum album niya na Wish I May.

Binalik din ni Matteo ang gesture by giving Alden a signed self-titled album.

Caitlyn Jenner kinasuhan dahil sa karambolang kinasangkutan

Muling kinasuhan si Caitlyn Jenner dahil sa involvement niya sa isang fatal crash kunsaan limang tao ang nasaktan.

Limang miyembro ng Wolf-Millesi Family ang nag-claim na habang sakay sila ng kanilang 2006 black H2 Hummer ay naramdaman nila ang malakas na impact ng sasakyang Lexus tinamaan ng minamanehong sasakyan ni Jenner.

Dead on the spot ang driver ng Lexus samantalang nagtamo ng injury ang mga nasa loob ng Hummer.

Sa pinataw na lawsuit, reckless driving ang ikinaso kay Jenner dahil sa unsafe speed nito kahit alam niyang hindi maayos ang kalsada.

Ayon pa sa report ng L.A. County Sheriff’s Dept., hindi raw natapakan ni Jenner ang kanyang brakes on time dahil wala raw ang atensyon nito sa pagmamaneho at may kausap sa cell phone.

Kaya nagsimula ang banggaan sa kanya.

Dahil dito ay may mga nag-suffer ng severe cervical fracture, severe nerve damage, blunt force trauma at may one month old baby na itinakbo sa UCLA Medical Center dahil hindi raw ito agad nag-respond after the accident.

ACIRC ADELINE TANGLAO ALDEN ALDEN RICHARDS ANG BOARDWALK PHILIPPINES CAITLYN JENNER COUNTY SHERIFF DAHIL JENNER MATTEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with