Direk Wenn, kabaliktaran ng mga pelikula ang pinagdadaanan

Vir Gonzales (Pang-masa) - November 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bibihira ang nakakaalam, kahit masasaya ang istorya na ginagawa ni Direk Wenn Deramas ay malungkot naman pala ang kanyang pinagdaanan.

Lumaki siya sa piling ng kanyang ina at mga kapatid pero wala ang ama. Inspirasyon niya sa paggawa ng movie na Tanging Ina ang kanyang emosyon. Hindi nga ba maraming nanay at mga anak ang tinamaan sa pelikulang ito?

Well, ang bago niyang pelikulang Wang Fam ay masayang nabigyan-buhay nina Pokwang at Benjie Paras.

Napag-alaman namin na kaya pala mahilig gumawa ng comedy movie si Direk Wenn ay para makatulong pampaalis ng stress at pagod sa mga Pilipinong makakapanood.

Sa dami nga naman ng problema sa Pilipinas at kailangang may pamparelaks. Bihira rin ang nakakaalam na si Direk ay tapos ng HRM sa UST at hindi akalaing sa pelikula tatabo ng maraming pera.

Hindi sa pagluluto ng pagkain kundi pagpapakita ng magagandang istoryang nabubusog ang mga tagahanga.

Nakahanda raw humarap si Direk Wenn sa darating na MMFF.

Malaki ang tiwala niya sa kanilang magiging panlaban na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vice Ganda.

Ang Wang Fam naman ay mapapanood na sa ika-18 ng Nobyembre.

Wally kinaiinggitan nina Jose at Paolo?

Hindi totoong na insecure sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros sa magandang outfit ni Wally Bayola bilang Lola Nidora sa kalyeserye noong last taping nila.

Sobrang bongga kasi ang outfit ni Wally, red and black na animo’y si Ms. Celia Rodriguez ang hitsura.

Hindi raw kasi natapos ni Tiya Bebeng yung damit na isusuot sana ni Wally kaya nagbago nalang ng isinuot ang komedyante.

Masarap ang pagsasamahan ng tatlo at walang plastikan, walang inggitan at prangkahan sila sa isa’t isa.

Kwento ni Jose, pinakamayaman sa kanilang tatlo si Wally kaya okay lang magsuot ng maganda. Halatang idolo ni Wally si Bella Flores na palaging pinalalaki ang kanyang mga mata. Idolo rin niya si Babalu. Ginagaya niya ang tinig ni Babalu para makawala sa anyo ni Bella Flores.

Rita, nawawala na naman

Teka! Nasaan na ba ang teleserye lucky charm na si Rita Avila? Bakit tila hindi pa napapanood muli ng kanyang mga tagahanga? Type nilang mapanood muli ang kanilang idolo sa madadramang serye. Last naming balita, nag-book signing si Rita sa SMX sa MOA ng kanyang Libro.

Jillian, kinabog ni Barbara

Natalbugan ng child star na si Barbara Miguel si Jillian Ward sa Gaya-gaya pa More contest ng EB, very energetic kasing sumayaw si Barbara.

Katrina, takot layuan ng grasya

Magandang kontrabida si Katrina Halili, pinakita niya ito sa Destiny Rose. Subalit sa totoo lang, parang hirap siyang sipain at tapakan ang pagkaing hawak-hawak ni Ken Chan.

Ayaw niya kasing lumayo ang grasya sa kanyang mga kamay, mabuti na lang, eksena lang ito sa naturang serye.                                               

ANG ANG WANG FAM BABALU BARBARA MIGUEL BELLA FLORES BENJIE PARAS COCO MARTIN DESTINY ROSE DIREK WENN NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with