AlDub fan ibinuko ang nilulutong commercial ni Maine
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 6, 2015 - 10:00am

Mabilis na kumalat kahapon ang balita tungkol sa television commercial shoot ni Maine Mendoza aka Yaya Dub para sa isang fastfood chain.

Nag-trending agad ang balita at kumalat ang litrato ni Yaya Dub. Ano na ang nangyari sa confidentia­lity clause na nakalagay sa kontrata ng mga product endorser?

Pinagbibintangan na fan ng AlDub ang naglabas ng picture at nag-preempt sa niluluto na sorpresa ng sikat na fastfood chain.

Janine suportado ang paghuhubad ni Elmo

Hindi naging sagabal ang ulan para hindi dayuhin ng mga tao ang Cosmo Carnival event ng isang wo­men’s magazine na naganap noong Sabado.

Nag-enjoy naman ang mga nanood ng pagrampa ng mga mhin pero hindi sila satisfied dahil mga nameless daw ang karamihan sa mga kasali.

Sina Elmo Magalona, Derrick Monasterio, Benjamin Alves, at Enzo Pineda ang mga representative ng GMA 7 sa Cosmo Carnival.

Siyempre, sinuportahan ni Janine Gutierrez ang pag­rampa ng kanyang boyfriend na si Elmo na forever young ang hitsura.

Ang sey ng isang eyewitness, wholesome ang show na maagang natapos kahit late na nang magsimula dahil afraid ang lahat na baka bumuhos uli ang malakas na ulan.

Aktres na tumanda ang hitsura dahil stressed sa lalaki, reresbak!

Tumanda ang hitsura ng isang aktres dahil problematic siya sa kanyang lovelife.

Ngayon lamang daw kasi nagkaroon ng matinding problema ang aktres na naloloka dahil naisahan siya ng kanyang ex-boyfriend.

Pero hindi magpapatalo ang aktres dahil lintik lang ang walang ganti. Hindi raw papayag ang aktres na sirain ng isang nameless ang kanyang reputasyon at pangalan na inalagaan at iningatan.

Nag-promise ang aktres sa sarili at sa mga kaibigan na reresbakan niya ang mhin na nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo.

Dingdong nanlibre sa sosyal na restaurant sa NY

Successful ang New York show ng Kapuso stars para sa mga subscriber ng GMA Pinoy TV.

Walang umuwi na luhaan dahil nag-enjoy ang Fil-Am audience sa mga production number nina AiAi delas Alas, Betong, Dingdong Dantes, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose.

Touched na touched ang mga artista at production staff ng show sa treat sa kanila ni Dingdong sa isang sosyal na restaurant sa New York.

Babalik agad sa Pilipinas ang mga Kapuso star na nagpasaya sa mga kababayan natin sa New York dahil sa kanilang mga naiwanan na commitments.

Zsa Zsa, deserve na deserve ang maging masaya

Matagal ko nang alam ang plano nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao na magpakasal sa Italy pero hindi ko ikinuwento dahil off the record ang tsikahan portion namin ni Zsa Zsa.

Pero dahil siya na mismo ang nag-reveal sa isang television interview, puwede nang pag-usapan ang balak na pag-iisang dibdib nina Zsa Zsa at Conrad sa Italy.

Maligaya ako para kay Zsa Zsa dahil natagpuan niya ang mhin na makakasama sa habambuhay.

Noong nabubuhay pa si Mang Dolphy, nagplano siya na pakasalan si Zsa Zsa pero hindi nangyari dahil sa mga legal issue.

Pumanaw si Mang Dolphy na isang certified bachelor dahil wala siyang pinakasalan sa mga babae na nakarelasyon niya noon. Hindi man natupad ang pagpapakasal nila, nagkatotoo ang madalas sabihin ni Mang Dolphy na si Zsa Zsa ang huling babae sa buhay niya.

ACIRC ANG COSMO CARNIVAL DAHIL HINDI ISANG MANG DOLPHY MGA NEW YORK ZSA ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with