^

Pang Movies

Nabubuhay sa nakaraan... Aktres na haggard at majubis na ngayon, hobby ang mag-upload ng kanyang lumang sexy pictures

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabubuhay sa nakaraan ang isang aktres na lumaki ang ulo at nagpabaya sa career kaya nalaos nang todo.

Hobby ng aktres na maglabas ng kanyang old pictures at marami ang nalilinlang dahil ibang-iba na ang itsura niya ngayon. Hindi na siya seksi at haggard na haggard na ang kanyang face.

Isang kasinungalingan kung sasabihin ng aktres na hindi niya nami-miss ang kasikatan na nagpayaman noon sa kanya pero nawala lahat dahil sa masamang ugali. Hindi nag-iisa ang aktres dahil marami sa showbiz ang kagaya niya na nawalan ng career dahil yumabang at naging salbahe sa kapwa.

Alden sumumpang hindi pa sila nagkikita ni Yaya Dub

Nagsalita na si Alden Richards tungkol sa litrato nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub na kumalat nang sumikat ang kanilang loveteam sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sa interbyu ng pep.ph, sumumpa si Alden na hindi pa talaga sila nagkikita nang personal ni Yaya Dub kaya nagulat siya nang lumabas ang litrato nila na kuha sa isang magazine event noong 2010. Ang sey ni Alden, hindi pa sila nagpapalitan ni Yaya Dub ng mga text message, hindi pa nila nakakausap ang isa’t isa at pakiramdaman lang ang kanilang sagutan sa social media.

Hindi pa artista at ang tunay na name ang ginagamit ni Alden nang umapir ito sa magazine event noong 2010 at dahil matagal na ang insidente, imposible na matandaan niya ang mga nagpapakuha ng litrato na ka­sama siya.

Destined talaga na magka­kilala sila ni Yaya Dub at malay natin, baka nga ma­uwi sa totohanan ang ka­­ni­lang loveteam. Kita n’yo na­man, hindi acting ang ki­lig ni Yaya Dub kay Alden sa mga eksena nila sa kal­yeserye ng Eat Bu­laga at feel na feel na ito nina Wally Ba­yola, Jose Manalo at Paolo Balles­teros. Pati ang tatay ni Alden, nagdududa na rin dahil sa mga ikinikilos ni Yaya Dub.

Papa Joey idineklarang Entertainment Guru!

Magkakaroon uli ng presscon ang GMA-7 para sa mga contestant ng Startruck VI kaya inuna muna nila ang presscon para sa mga host, co-host at judges ng reality based artista search na balik-TV sa September 7.

Judges ng Starstruck VI sina Regine Velasquez, Joey de Leon at Jennylyn Mercado na First Female Ultimate Survivor ng Starstruck.

Hindi na maabot si Papa Joey dahil sa bagong title na ibinigay sa kanya, ang Entertainment Guru. May karapatan naman si Papa Joey na tawagin na Entertainment Guru dahil sa mga achievement at contributions niya sa showbiz!

Bitter-bitteran?! Rocco binura na ang number at blocked na rin sa kanyang IG si Alden!

Joking lang si Rocco Nacino nang sabihin nito na binura na niya sa cellphone ang contact number ni Alden Richards at blocked na rin ito sa kanyang Instagram.

Idinaan ni Rocco sa biro ang sagot niya sa sinabi ni Jun Nardo na natalbugan na siya ni Alden na sikat na sikat ngayon.

Pareho ang mga sagot nina Rocco, Miguel Tanfelix at Mark Herras na happy sila para sa success ni Alden.

Naniniwala ako na sincere si Mark sa kanyang sinabi dahil matagal ko na siyang kilala. Isa si Mark sa mga aktor na napakabait at walang kainggit-inggit sa katawan.

Hindi siya katulad ng isang Starstruck winner na todo-emote kapag nakikita niya na mas maraming project kesa sa kanya ang ibang mga artista. Huwag n’yo na akong pilitin na sabihin ang name ng Starstruck winner dahil hindi ko talaga sasabihin. At least, nagpapakatotoo siya sa kanyang mga nararam­daman.

Kaya enjoy kahit walang masyadong raket Mark umiikot ang mundo sa anak na si Ada

Nakikita ang picture ni Mark Herras sa g­iant billboard ng Starstruck 6 sa kanto ng EDSA at East Avenue dahil kasali siya sa reality show na pinagmulan niya.

Marami na ang mga pagbabago na nangyari sa buhay ni Mark mula nang mag-win siya sa Starstruck 1. Tatay na si Mark at umiikot sa kanyang anak na si Ada ang mundo niya.

Maliban sa Starstruck, walang regular show si Mark pero walang problema sa kanya dahil may panahon siya para sa unica hija niya na magdadalawang taon na sa November 7.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ANG

DAHIL

ENTERTAINMENT GURU

HINDI

MGA

NIYA

PAPA JOEY

SHY

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with