^

Pang Movies

Kris mas mabilis lapitan kesa sa kapatid na Pangulo?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kahit walang kinalaman si Kris Aquino sa pagbubukas ng mga Balikbayan Box ng Bureau of Customs, inulan din ng reklamo ang TV host mula sa hinaing ng mga kababayan natin mula nga sa OFWs sa iba’t ibang panig mundo.

Nakisimpatya naman si Kris sa reklamo sa kanyang Instagram at Twitter account lalo’t nag-post si Kris sa isa niyang eksena sa pelikula niyang Etiquette for Mistresses na naghihintay siya sa Customs ng kanyang bagahe na kinunan bago siya naisugod sa ospital kamakalawa.

Hindi naman nasayang ang pagsusumbong ng mga OFW kay Kris, dahil tinapos na agad ni PNoy ang problema sa pagsasabing wala nang bubuksang mga Balikbayan Box.

Dennis certified ‘phonetographer’ na rin!

Matagal nang nahihilig si Dennis Trillo sa photography lalo sa magagandang lugar na napupuntahan niya na kuha ng kanyang camera.

Ngayon nga’t malaki na ang tulong ng cell phone, ito na rin ang nagsisilbing camera ni Dennis kahit saan siya magpunta. Feeling professional na rin si Dennis sa pagkuha niya ng mga magagandang view o simpleng anggulo na naha-highlight ang ganda na madalas i-post ng aktor sa kanyang instagram.

Hindi raw siya nahihiyang i-share ang kuha niyang pictures. Mas lumakas pa ang loob niya dahil marami na raw siyang tagapagtanggol ngayong fans pagkatapos ng palabas nilang My Husband’s Lover ni Tom Rodriguez sa GMA 7.

Kahit ang mga picture nila ng nobya niyang si Jennylyn Mercado ay open nang sini-share ni Dennis sa kanyang IG/Twitter account.  Pati na rin ang mga lugar na pinupuntahan nila ni Jen sa kanilang bonding.

ANG

BALIKBAYAN BOX

DENNIS TRILLO

INSTAGRAM

JENNYLYN MERCADO

KAHIT

MATAGAL

MY HUSBAND

NAKISIMPATYA

NGAYON

TOM RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user