^

Pang Movies

Iñigo nakakakawala sa anino ni Piolo ‘pag kantahan ang pag-uusapan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kasama si Iñigo Pascual sa hindi pinalad na makabili ng ticket sa katatapos na concert ng One Direction last Saturday  sa Mall of Asia Arena, pero nagkapogi points pa rin ang anak ni Piolo Pascual sa pag-post nito ng kanta ng 1D na They Don’t Know About Us.

Marami ang natuwang fans ni Iñigo hindi lang dahil sa sikat na kanta ng 1D na kinanta nito kundi sa magandang hagod ng boses ng binata ni Papa P.

Kung madalas siyang ikumpara sa ama nitong si Piolo sa aktingan mabilis naman siyang makakawala sa anino ni Piolo pagdating sa kanyang singing ta­lent. Sa kantahan ay lumalabas ang kanyang passion na nagpaparamdam din na may future ang kanyang boses, lalo’t in na in ang style nito ngayon sa bagets na tulad niya.

Mabilis naman ang pag-asenso ng showbiz career ni Iñigo at sunud-sunod ang kanyang project.

Thankful pa ang batang aktor na napasama siya sa movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Crazy Beautiful You na super successful sa takilya.

Wish ni Iñigo na maambunan din siya ng suwerte ng Kathniel fans dahil sa laki ng following ng dalawa.

Happy naman si Iñigo dahil finally may sarili na siyang teleserye katambal si Julia Barretto na titled And I Love You So kasama si Miles Ocampo.

Kahit busy sa kanyang career, determinado si Iñigo na makapagtapos sa high school. Hindi nag-work out ang online schooling ni Iñigo dahil sa time differences natin sa US, pero hindi ito sumusuko na mag-aral para makakuha ng high school diploma.

Naghahanap si Iñigo na school na swak sa kanyang schedule, hanggang maaari ay ayaw na nito ng online program dahil ang gusto niya ay talagang makatapos at makapagmartsa sa kanyang graduation sa pagtanggap ng diploma.

 

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DANIEL PADILLA

I LOVE YOU SO

IGO

JULIA BARRETTO

KANYANG

KATHRYN BERNARDO

KNOW ABOUT US

PLUSMN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with