Ama ni Angel puring-puri si Luis
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 1, 2015 - 12:00am

Tuwing papasyal kami sa magarang tahanan nina Angel Locsin, wala na kaming pinag-uusapan kundi ang nalalapit nang kasal ng anak at ni Luis Manzano.

Lagi sinasabi na magaganap ito sa taong ito pero secret pa. Inamin ni Mang Angel (tatay ng aktres) na gustung-gusto na niyang magkaro’n ng apo.

‘‘Ang ganda sigurong pagmasdan kapag nagtatakbo ang aking apo sa aming salas at tiyak magkakaroon ng sigla ang aming tahanan,” sey ni Mang Angel.

Wala siyang mahihiling pa sa ibinigay ng Panginoon sa makakatuwang ng anak dahil napakabait ni Luis at mapagmahal pa. Ang ganda talaga ng pagpapalaking ginawa ni Gov. Vilma Santos ayon sa ama ng aktres.

‘‘Tiyak na magiging mabuting asawa at ama si Luis sa kanilang magiging anak ni Angel dahil napakabuting anak ng aktor sa kanyang ina,’’ sey pa ni Mang Angel.

Sheryl enjoy na mag-solo

Ngayong nahaharap sa laban si Sunshine Cruz laban sa ex-husband na si Cesar Montano ay suportado siya ng mga pinsang sina Sheryl, Geneva, at Donna Cruz.

Bagamat hindi naman sila nagkikita ng madalas ay hindi naman napuputol ang kanilang komunikasyon.

Ayon kay Sheryl nananalig siya sa pinsang si  Sunshine at sinabing hindi naman siguro ipagkakatiwala ng korte ang custody ng tatlong bata kung hindi maayos ang pagpapalaki niya sa mga anak.

Sa kabilang banda hiwalay na rin sa kanyang asawang si Norman Bustos si Sheryl at naiwan sa kanya ang pag-aalaga at pagpapalaki kay Ashley Nicole na ngayon ay 13 years old na.

Happy siya bilang single parent at naka-move on.

Ayon sa aktres may constant communication naman ang mag-ama.

ASHLEY NICOLE AYON CESAR MONTANO DONNA CRUZ LUIS LUIS MANZANO MANG ANGEL NORMAN BUSTOS SHERYL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with