Kris kinilig-kilig nang sorpresahin ni Mayor Bistek sa pamisa sa bahay
- Vinia Vivar (Pang-masa) - December 30, 2014 - 12:00am

Kahapon sa Kris TV ay ipinakita ang idinaos na mass sa bahay ni Kris Aquino last Sunday bilang pagpapasalamat sa lahat ng magagandang bagay na dumating sa kanyang pamilya this 2014.

Marami raw kasing ipinagpapasalamat si Kris at una na nga rito ay ang good health sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay, ang bonggang career including the success of her movie, Feng Shui 2, at sa anak naman niyang si James “Bimby” Yap na The Amazing Praybeyt Benjamin.

Right after ng live telecast ng The Buzz last Sunday ay nagpamisa si Kris officiated by Fr. Rogie Castellano. Present sa mass sina Pokwang, Jeron Teng, Jane Oneiza at ang Kris TV fami­ly.

Pero sa kalagitnaan daw ng mass ay nagulat silang lahat, lalung-lalo na si Kris sa isang surprise visitor na dumating sa bahay ng TV host at Horror Queen.

Walang iba kundi si Quezon City Mayor Herbert Bautista na gusto lang daw i-congratulate si Kris sa success ng Feng Shui 2, pati na rin si Bimby para naman sa The Amazing Praybeyt Benjamin.

Hmm, babati lang, nag-effort pa na pumunta ng bahay? Pagbati lang ba talaga ang ipinunta niya?

Anyway, kaya naman pala may post si Kris last Sunday sa kanyang Instagram account na photo message kung saan ay may quotation na: “Do you ever wish you had a second chance to meet someone again for the first time?”

‘Yun na!

English Only, Please nina Jennylyn at Derek nagdagdag ng sinehan

Itinanggi ni Jennylyn Mercado sa Startalk last Saturday ang tsikang nakita siyang kasama ni Ilocos Sur Representative Ronald Singson sa Boracay.

Say ni Jen ay malabo raw mangyari ‘yun at takang-taka siya na may ganun’g issue.

“Paano nangyari? Nagpunta ako sa Boracay nang wala sa oras?” takang-takang sabi ng aktres.

Tila imposible nga naman kasi ang tsikang naisingit pa niya ang magpunta sa Boracay dahil super-busy niya rito sa Ma­nila. May movie siyang English Only, Please, may taping ng bago niyang serye sa GMA-7 na Second Chances, may coo­king show, may Sunday All Stars kaya say nga niya, paano raw siya makakaalis.

“Grabe naman, pa­milya ko nga, ‘di ko maasikaso,” say pa niya.

At ang nakakaloka, hindi naman pala niya personal na kakilala si Cong. Singson.

“Hindi ko po siya kilala. Saka hindi ko pa po siya nakikita kahit na hi-hello, never pa po,” say pa niya.

Anyway, matapos humakot ng awards ang English Only, Please sa Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night last Dec. 27, biglang lumakas ang pelikula nina Jennylyn at Derek Ramsay sa takilya the following day at napakara­ming sold-out na cinemas.

Kaya naman starting today ay magdadagdag na ng sinehan ang English Only, Please. Mapapanood na ito sa Newport Cinema ng Resorts World Manila, SM Megamall Director’s Cinema, Sta. Lucia East Grand Mall Cinema, SM Lucena, Robinson’s Imus, Robinson’s Pioneer, SM Sucat, SM Valenzuela, at Robinson’s Magnolia.

Sa probinsiya ay nadagdag naman ang ACC sa Cebu at SM Tarlac.

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN BIMBY BORACAY DEREK RAMSAY ENGLISH ONLY FENG SHUI HORROR QUEEN KRIS NAMAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with