^

Pang Movies

Anne ibinunyag ang sikreto kaya laging cool at fresh!

Rodel Lugo - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Personally, I make sure to bring out my best in all performances, whether they are on TV, film, and even in real life.” Bahagi ng mga palabang linya ng isa sa pinakasikat at in demand Kapamilya actress ngayon, si Anne Curtis. Mas makikita ang pagiging palaban niya sa pinipilahan pa rin sa mga sinehan, ang latest movie niyang The Gifted ng Viva Films. Co-starring her in this blockbuster film are Cristine Reyes and Sam Milby, na todo-pahapyaw na mahal pa rin niya ang ex-GF (Anne).

Imahe ng makabagong kababaihan si Anne dahil sa kanyang pagiging talentado, glamorosa, kuwela, at talino. Walang hindi iibig sa maganda at seksing aktres na ito. Pruweba nga ang pagsuporta pa rin sa kanya ng fans lalo na sa repeat ng kanyang Annekapal, The Forbidden Concert 2 sa Big Dome last May, kahit pa aminado siyang hindi kagandahan ang kanyang singing voice. Bilang isang artista, concert artist, TV host, at product endorser, kabisado na ni Anne ang pasikut-sikot sa industriya pati ang demand ng showbiz sa paiba-iba at pabagu-bagong roles sa harap at likod ng camera. Ayon sa 29-year-old na aktres, kaya pa rin ng bawat kababaihan na maging best sa kabila ng hectic na schedule at lifestyle nila sa araw-araw. Dapat lang daw ay lagi kang healthy at confident sa mga ginagawa. Isa sa mga sikreto ni Anne ang Lactacyd Feminine wash na kanyang iniendorso noon pang 2012, napapanatili niya ang pagiging malinis down under, fresh, at confident sa kanyang trabaho maging sa kanilang mga date ng kanyang boyfriend na si Erwan Heusaff, ang nakababatang kapatid ni Solenn Heusaff. Ang Lactacyd ay gawa sa natural and mild milk-based ingredients tulad ng lactoserum at lactic acid. Sa dalawampu’t limang taon sa industriya ng feminine intimate care, proud silang ibahagi ang limang variant ng kanilang produkto. Ito ang: Protecting, ang classic variant na umiiwas sa sanhi ng irritation, itching at odor; Revitalize, ang feminine wash na may Vitamin E at collagen ingredients para sa mas malambot at firm na balat; White Intimate, ang natural at ligtas na lightening feminine wash; All-Day Care, na kilala rin dati bilang Lactacyd Fresh Radiance para sa pang-araw-araw na proteksyon at freshness; at ang pinakabago nilang Cool and Fresh, na may cooling and long-lasting feeling.    

                                               

 

vuukle comment

ALL-DAY CARE

ANG LACTACYD

ANNE CURTIS

BIG DOME

COOL AND FRESH

CRISTINE REYES AND SAM MILBY

ERWAN HEUSAFF

FORBIDDEN CONCERT

LACTACYD FEMININE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with