Showbiz buhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Mark Gil
- Vinia Vivar (Pang-masa) - September 2, 2014 - 12:00am

Pumanaw na ang magaling at respetadong bete­ranong aktor na si Mark Gil kahapon ng umaga (Sept 1), bandang alas-otso ng umaga dahil sa liver cirrhosis.

He died at the age of 52.

Ayon sa official statement na inilabas ng kampo ng aktor kahapon ng umaga, kasalukuyang nagdadalamhati ang pamilya at humihiling muna ng pribadong sandali.

“Yes, we would like to confirm the death of one of our beloved Mark Gil who just joined our creator this morning at 8 a.m. As of now, the family is in deep grieving and they want private time with him. They will issue an official statement within the day.

“Thank you and we need all your prayers for the repose soul of Mark and strength for his bereaved family,” ang nakasaad sa official statement.

Si Mark ay mula sa isa sa pina­kamalalaking angkan ng mga artista sa showbiz. Ang mga magulang niya ay sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa at ang mga kapatid niya ay sina Michael de Mesa at Cherrie Gil.

Ang mga anak niyang sina Gabby and Ira (with Irene Celebre), Andi (with Jaclyn Jose), Maxene Eigenmann at Sid Lucero (with Bing Pimentel) ay pawang mga artista ring lahat pati na ang mga pamangkin niyang sina Ryan, Geoff and AJ Eigenmann na anak ni Michael at ni Gina Alajar.

Kung titingnan ang filmography ni Mark, hindi na mabilang ang pelikula at TV projects na kanyang nagawa simula pa noong dekada 80, pati na ang kanyang mga parangal na natanggap mula sa iba’t ibang award giving bodies.

Isa sa mga huling proyekto niya ay ang seryeng The Legal Wife sa ABS-CBN na kailan lang natapos.

Ipagdiriwang sana ng aktor ang kanyang ika-53 kaarawan on Sept. 25.

Ilang sandali pa lang matapos pumanaw ni Mark kahapon ay dumagsa na agad sa social media ang mga nakikidalamhati sa pamilya. Halos buong showbiz ay nag-post na ng kanilang pakikiramay at pag-alay ng respeto sa ating magaling na aktor.

Maging ang anak na si Andi ay nag-post sa kan­yang Facebook and Twitter account ng pagda­dalamhati’t pag-aalala sa namayapang ama.

Post ni Andi na kalakip ang larawan nilang mag-ama during happier times, “Death leaves a heartache no one can heal. But Love leaves a memory no one can steal.”

Nakaka-touch din ang larawang ipinost ng aktres kung saan ay makikitang buntis siya (kay Ellie) habang masayang nakaakbay sa kanya ang ama. May caption ito na “The ever supportive dad who stood up with her daughter on one of the biggest trials of her life, RIP Sir Mark Gil, a great and loving father, a man of honor, a brilliant actor of Philippine Showbiz, you will be missed.”

Nakakaiyak naman ang post ng isa pang anak ni Mark na si Gabby.

“And so you held my hand in yours, just like you did when I was young. But then you held it to your heart just as you slowly slipped away. Today I said goodbye to you Dad. I said the last I love you that you would hear. Fly free with the Lord, fly free without pain. No worries, no problems, just love. Thank you for everything you have done for me and the family. Thank you for the legacy you have left behind. You will be forever in our hearts, till we meet again..,” ang post ni Gabby

Nagpaabot din ng kanyang pakikiramay si Maja Salvador na isa sa huling nakasama ni Mark. She posted, “My Daddy Dante, I will miss you.” Ang aktor ang gumanap na ama niya sa seryeng The Legal Wife.

Nagbigay din ng kanyang respeto si Robin Padilla at aniya sa kanyang Instagram account, “Ang araw na ito ay Puno ng Kalungkutan lalo sa mundo ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon.”

Ang iba pang artista at mga kaibigan mula sa showbiz na nagbigay ng kanilang pakikiramay sa pamama­gitan ng kanilang social media accounts ay sina Zsa Zsa Padilla, Leah Salonga, Angeli Pa­ngilinan, Frasco Mortiz, Lani Mercado, Arjo Atayde, Amy Perez, Nadia Montenegro, Iza Calzado, Martin Nievera, Derek Ramsay, John Lapus, at marami pang iba.

 

AMY PEREZ ANDI ANGELI PA ARJO ATAYDE BING PIMENTEL LEGAL WIFE MARK MARK GIL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with