Pauleen walang effort mang-api

MANILA, Philippines - Magaling na kontrabida si Pauleen Luna. Sa teleseryeng My Destiny, maraming naaantipatikahan sa kanya tuwing lalaitin niya si Carla Abellana na may pagtingin kay Tom Rodriguez.

Mestisa kasi si Pauleen, kaya may karapatang magtaray. Kayang-kaya niyang asarin ang mga tagahanga pero medyo naalarma ang mga ito dahil sa unti-unti niyang pagtaba. Wala pa ring kasalang nababanggit ang magaling na aktres kung kailan sila haharap sa dambana ni Vic Sotto.

Anyway, malapit na naman ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya tiyak pagpipiyestahan uli sina Pauleen at Vic.

Dating sexy star na si Via nagbabalik showbiz bilang nanay

Matagal-tagal ding nawala sa limelight ang sexy star si Via Veloso. Kaliwa’t kanan din ang ginawa niyang project noon. Ang problema, na in love si Via at tinalikuran ang showbiz. Ngayon, muli siyang nagbabalik sa pelikulang Tadhana ng Etni Kolor films. Hindi na raw siya pa-seksi kundi nanay ni Joyce Ching. Wala namang problema dahil sanay na magdrama si Via.

Akting ni Daria Ramirez hindi napapansin

Marami ang nagtataka, isa si Daria Ramirez sa pinakamagaling na aktres sa pelikula, pero hindi gaanong nagkaka-award. Totoo  kayang kulang siya sa pansin sa mga kritiko? Hindi naman kaya may palakasan epek sa mga award giving body? Sana walang ganun. Tampok si Daria sa movie na Edukasyon ng JMS film, directed by Bobby Benitez.

Nagpapasalamat si Daria kay Direk Bobby dahil kahit naglalagare sa taping sa kanyang teleserye, still, kasama pa rin siya sa said movie. Si Daria ang nagtapos ng istorya sa Edukasyon starring Diane Medina.

Bongga ang premiere night ng pelikulang Edukasyon noong ika-23 ng July, ginanap ito sa SM North EDSA. Nagpapasalamat si Diane Medina dahil todo-suporta ang boyfriend niyang si Rodjun Cruz. Pareho silang ex  Star Magic talents. Dumating din sina Leandro Baldemor, Rey “PJ” Abellana, at Tommy Abuel.                                                                                      

 

Show comments