^

Pang Movies

Baguhang direktor takot sa tambalan nina Enrique at Liza Soberano

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa directorial debut niya under Star Cinema, inamin ng 30-year old na si Ted Boborol na “Kinakabahan at the same time excited na pinaghalo ang nararamdaman ko. Ang laking task kasi ang mag-direk na eh.” Tinutukoy ni Ted ang pelikulang The Bet. Isa itong romantic comedy na pagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano na ipakikilala ng Star Cinema bilang bagong big screen tandem. Pero ang isa pang higit na ikinakakaba ni Ted ay ang pagiging bago ng tandem ng kayang dalawang bida. “‘Di naman po ako apprehensive pero siyempre this is a test for a new tandem or new love team sa big screen.

“Wala kasing following sina Enrique and Liza as a tandem eh. So I want to do a really good job sa pagdirek ng pelikulang ito. Binubusisi naming lahat.”

Pero binanggit ng batang director na one way or ano­ther may measure of confidence siya sa proyekto dahil “may novelty ang istor­ya. Para sa mga young and young-at-heart ang pelikula.” Dagdag pa niya ang ikinaiba ang The Bet ay “we adapted the story from a Wattpad novel na naging hit sa readers.”

Nang makausap naman namin ang author ng novel na si Kim Villanueva, biglang bulalas na pagsagot ng dalagang nobelista na halatang excited magsalita ay “ay naku nabasa ko po ang script at talagang nag-enjoy ako! Kasi nakakatawa at the same time naroon iyung thought ko for the novel na dapat buo pa rin ang sensibilities ng istorya para sa lahat ng age market ng novel.”

 Well, mukha ngang may lalim ang istorya kasi medyo teasy ang mga sinasabi ni author Salve A. In fact as of press time more than 12,000 copies sold na pala ang novel niyang ito.

Kaya sa story conference na naganap kung saan naroon ang director at kasama ang kanyang dalawang lead cast pati ang iba pang support cast, halatang-halata ang tila pinaghalong excitement at anxiety ni Ted dahil marami ang tanong sa kanya bilang isang bago at batang direktor.

Mabuti na lang at nakasagot nang maayos si Ted. Kung tutuusin naman kasi hindi na bago si Ted sa lara­ngan ng pelikula. Nagsimula siya sa pagdi-develop at pag­susalat ng script. Biruin mo, kasama pala siya sa pagbuo ng script ng My First Romance (2003), D’Lucky Ones (2006). Nag-assistant director pa siya sa All My Life (2003) na lahat ay naging blockbusters!

ALL MY LIFE

ENRIQUE AND LIZA

ENRIQUE GIL

KIM VILLANUEVA

LIZA SOBERANO

LUCKY ONES

MY FIRST ROMANCE

PERO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with