^

Pang Movies

AiAi maka-Kris ang pamumudmod sa mga taga-Batangas

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang agang magparamdam ni Ms. AiAi Delas Alas sa kan­yang mga kababayan sa Calatagan, Batangas. May naka-ready na agad siyang bag na may name niya na obviously ay ipamumudmod niya sa mga future constituents niya.

Pero akala ko ba hindi sila friends ni Kris Aquino bakit yellow bag ang giveaways niya? ‘Di ba dapat orange dahil plano niyang makipagpartido kay Jejomar Binay?

Samantala nagsimula na ang shooting ng komedyana sa first indie film niya na Ronda kung saan gaganap siyang pulis. Enjoy si AiAi sa pagsusuot ng kanyang uniporme dahil bagay naman daw pala sa kanya ang maging pulis pangkalawakan.

Excited na rin si AiAi na tsansingan si Cesar Montano na personal choice niya sa kanyang movie entry sa Cinemalaya. Tiyak na game na game rin si Cesar na makipaglandian kay AiAi sa ikagaganda nang una nilang tambalan.

Maegan nakikipagbakbakan sa bashers

Walang planong paapekto si Maegan Aguilar sa mga pinagsasabi ng mga sangkatutak na bashers niya tungkol sa away nila ng amang si Freddie Aguilar.

Imbes na i-block pa ang mga below the belt na tira sa kanya tungkol nga sa problema nilang magtatay, talagang sinasagot din niya ng malulutong na murahan ang mga nagko-comment sa kanya.

Ayaw pa-affect ni Maegan sa lagay na yan ha, pero binibigyan pa niya ng time na sagutin ng milya-milya ang mga tinuturing niyang mga kampon ni Jovie na kanyang step mother. Hindi nagpapatalo si Maegan at palaban din sa mga bawat tumitira sa singer dahil sa tuluyan na niyang itinakwil ang tatay. Grabe ang mga pinagsasabi ni Maegan laban kay Freddie lalo na siyempre sa asawa nito na si Jovie na mas lalo ring  nagpapagalit sa bashers niya.

vuukle comment

CESAR MONTANO

DELAS ALAS

FREDDIE AGUILAR

JEJOMAR BINAY

JOVIE

KRIS AQUINO

MAEGAN

MAEGAN AGUILAR

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with