^

Pang Movies

Nag-request pang makasama sa tent: Sharon parang bagets na kinilig kay Goma

FREE LANCER Emy - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Parang bagets si Sharon Cuneta na kinikilig pa rin sa pagsasama nilang muli ni Richard Gomez  sa TV5 comedy show na Madam Chairman.

Nang una pa lang marinig ni Megastar na si Goma ang makakasama niya ay tanong na nang tanong si Sha kung okay na bang mag-guest si Goma sa programa.

Maganda naman kasi ang pinagsamahan ng dalawa both in movies and television. Nagbiro pa nga ito na huwag ilagay sa ibang tent ang aktor kundi mismo sa kanyang tent para makapag-bonding sila ng husto.

Hindi tumanggi ang TV5 kesehodang mataas ang TF ni Goma dahil sa pagsasamang muli ng dalawa. Isa pa, maganda ang feedback ng mga manonood sa programa. Nakakapulot kasi sila ng magandang mensahe sa bawat episode na ipinalalabas.

ML, kuhang-kuha ang ganda ng India

Maraming bisitang dumalo sa premiere night ng Mumbai Love noong Huwebes kabilang na ang mga taga-Indian community. Bongga ang set design sa labas pa lang ng cinema dahil ang dekorasyon ay pang-Mumbai, India talaga.

Umpisa pa lang ng pelikula ay tumatawa na ang mga manonood lalo na kay Jayson Gainza na lumabas na baklang “second mother” ni Solenn Heussaff nang maulila ito sa biological mother.

May kilig factor ang tambalan nina Solenn at Kiko Matos at mula sa dating karakter na malanding kontrabida ay nabago ang imahe ng aktres sa movie — isang sweet, innocent lady. Mas maganda kasi si Solenn ’pag walang makeup.

Maganda rin ang theme song at bongga ang Indian fashion. Magandang panoorin ang movie dahil para silang nakarating ng India sa linis ng pagkakagawa ng pelikula gaya ng cinematography.

Magaling ang direktor na si Benito Bautista dahil parang Hollywood ang dating ng Mumbai Love. Siguro dahil sa karanasan ni Direk Benito na makatrabaho ang mga production staff sa Amerika gaya nang gawin ang Milk tampok si Sean Penn.

vuukle comment

BENITO BAUTISTA

DIREK BENITO

GOMA

JAYSON GAINZA

KIKO MATOS

MADAM CHAIRMAN

MAGANDA

MUMBAI LOVE

RICHARD GOMEZ

SEAN PENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with