Shaina ayaw makisawsaw sa nangyari kay John Lloyd!
Jun Nardo (Pang-masa) - December 13, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ayaw makisawsaw ni Shaina Magdayao sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Anne Curtis at dating boyfriend na si John Lloyd Cruz. Aware man siyang maraming nakatingin na mata sa kanya bilang artista, aminado siyang tao rin sila na nagkakamali.

“I really think na wala akong kaparatang magsa­lita about it. Wala ako roon in the first place,” rason ni Shaina bago sumalang sa presscon ng kinabibilangan niyang festival entry na Pagpag: Siyam Na Buhay.

“Tao lang kami na may ways na mag-unwind.”

Pero umiinom naman siya?

“Oo! Ay, ang gaga, gaga. Ang init ng tanong ninyo ha? Tahimik na ang buhay ko. Huwag na ninyong guluhin,” sagot niya.

Ayon sa aktres, naging mabait naman si John Lloyd nung panahon may relasyon pa sila.

“Matagal na kaming okay ni John Lloyd,” sabi pa niya.

May tsismis na pinag-aayos daw sila ni Bea Alonzo?

“Hindi kami close. Hindi kami chika pero civil lang kami. We do say hi. Hindi naman…Para sa sarili ko, i-let go natin ang mga negative,” depensa ni Shaina.

Eh pagdating sa real score sa kanila ni Piolo Pascual, magkaibigan pa rin ang turingan nila.

“You know if there is anything, hindi mo madedenay ang isang Piolo Pascual. Dahil unang-una, napakabuti niyang tao. Gusto ko na ’yung next na papasukan kong relationship, hindi na siya ka-deny-deny! Hindi ako papasok sa isang relationship na ka-deny-deny,” katuwiran ng aktres.

Ready na ba siya sa bagong relasyon?

“Ako, pinagpi-pray ko na huwag muna kasi after Four Sisters & A Wedding, sobrang ganda ng taon ko. And I am praying na mas maganda ang 2014 ko. Actually, for the first time, gusto ko munang pahalagahan ang career ko at sarili ko,” deklara ni Shaina.                                                                       

Atty. Joji tumanggap ng mabigat na award sa HK

All-expense paid ng Motion Picture Association ang biyahe ni Atty. Joji Alonso nung isang araw sa Hong Kong upang tanggapin ang isang special award mula sa nasabing oganisasyon.

Sa sulat na ipinadala ni Stephen Jenner, director of communications ng Asia Pacific Region sa lawyer-film produ­cer, honored silang gawaran ng award si Atty. Joji na sa isang tao lang nila ibinibigay kada taon.

Sa Hong Kong Convention Centre ginanap ang pagbibigay ng award kay Atty. Joji na sinamahan siya ng kanyang anak. Bago umalis, inayos muna niya ang special screening ng Ang Turkey Man ay Pabo Rin ngayong gabi sa Greenbelt Cinema kung saan tinutulungan niya ang director na naging biktima ang pamilya ng bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte.

 

A WEDDING ANG TURKEY MAN ANNE CURTIS ASIA PACIFIC REGION JOHN LLOYD JOJI PIOLO PASCUAL SHAINA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with