Annabelle umaming nagtago ng 2 buwan dahil sa depresyon

Humarap ang buong pamilya ng Gutierrez sa grand presscon ng It Takes Gutz to Be a Gutierrez na excited na ang lahat lalo na si Annabelle Rama sa reality family show.

‘‘Walang maglilipat ng channel kapag napanood nila ito dahil walang sosyalan, walang edit ng show, at lahat ilalabas gaya ng paggising pa lang sa umaga kung saan makikita akong nakasuot ng duster,’’ sabi ni Annabelle.

Ayon pa rin sa director na si Mike Carandang, magiging honest sila sa pagpapalabas ng show at maraming rebelasyon ang mapapanood.

Isa si Raymond sa mga nag-isip sa konsepto. Gusto noon pa ni Annabelle na makagawa ng reality family show kaya lang ’di matuluy-tuloy ang proyekto dahil may kanya-kanyang kontrata ang kanyang mga anak at hindi magtugma ang kanilang schedule.

Inamin ni Annabelle na matapos ang eleksiyon at natalo ay nagtago siya for two months dahil sa depresyon. Pero naka-move on na siya at ngayon ay magiging abalang muli sa reality family show na bukod sa mga anak at asawa ay mapapanood pa rin ang kanyang dalawang apo.

Sinabi naman ni Ruffa na loveless siya for two years na dahil wala siyang karelasyon.

‘‘Sa pakikipag-ugnayan sa TV100 at One Mega Group, naniniwala ako na magiging matagumpay ang aming partnership,’’ sabi ni Annabelle.

Eddie masaya sa bagong direktor

Taong 1958 nang magsimulang mag-artista si Eddie Guetierrez sa Sampaguita Pictures na nakakontrata siya ng sampung taon.

‘‘Ngayon lang ako makakaarte ng kung ano kami. This is something dif­ferent. Masaya ako sa bagong director namin na si Mike Carandang. No-holds-barred ang reality show na ito kaya tiyak mag-e-enjoy din kami,’’ say ng aktor.

Ayon pa kay Eddie, makaka-relate rin ang mga manonood dahil ipakikita ang ups and down ng isang pamilya na sa tunay na buhay kapag may problema sa Gutierrez clan ay solid ang kanilang samahan.

 

 

 

Show comments