Freddie Aguilar idinemanda na ng qualified seduction!

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong qualified seduction ang legendary singer na si Freddie Aguilar dahil sa relasyon nito sa menor-de-edad na 16 years old.

Ang kaso ay isinampa ng abogadong miyembro ng Integrated Bar of the Philippines na si Atty. Fernando Perito.

Inihain ang qualified seduction sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sa complaint ng abogado, tinawag nitong ‘sex-hungry child predator’ at ‘cradle snatcher’ ang singer ng Anak.

Sinabi pa ng abogado na dapat ding kasuhan ang mga magulang ng menor-de-edad dahil sa pagpabor ng mga ito sa pakikipagrelasyon ng anak sa may edad.

Agad namang sumagot si Mr. Freddie na haharapin niya ang kaso.

Ito ang napala ng singer sa kanyang pagbubunyag sa pakikipag-relas­yon sa minor na wala naman sanang nakakaalam kung hindi niya lang idinaldal sa media.

Show comments