^

Pang Movies

Aktres halimaw ang ugali, production staff suklam na suklam

SO...CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

Turn off ang ilang production staff nang mag-guest ang female celebrity na ito sa kanilang show. May reputasyon na hindi maganda ang kanyang ugali kaya hangga’t maaari ay umiiwas ang ilang staff na makasalamuha siya.

 â€œKasi naman, ang ilang staff dito sa show ay nakatrabaho ang bruhang ’yan sa isang teleserye niya. Naku, halimaw ang ugali ng babaeng ’yan! Noong buntis siguro ang nanay niyan lahat ng kasamaan ng ugali ay pinaglihian kaya hayan at lumalabas na sa babaeng ’yan ang mga ugaling kasuklam-suklam.

 â€œKung makautos ’yan, grabe! Akala mo mga bayaran niya kami. Kapag hindi namin maibigay ang gusto niya, magne-name drop ’yan ng mga bossing at tatakutin kami. Isang tawag lang daw niya ang mga bossing. O hindi ba saksakan ng sama ng ugali? Halimaw siya!” tili ng source namin.

May nagparating sa staff ng show na bumait na raw ang female celebrity. Marunong na raw itong ngumiti ng natural at hindi na plastikada ang dating. Pero nagkamali pala sila dahil mali ang balitang nakarating sa kanila.

 â€œNaku gano’n pa rin ang ugali! Halimaw pa rin siya! Grabe at ipinahiya niya ang ilang staff namin na baguhan. Palibhasa kasi ay hindi pa nila alam ang tunay na kulay ng babaeng ’yan.

 â€œNag-request ang mga ito na kung puwedeng magpa-picture dahil naghihintay lang siya sa dressing room niya. Bigla nga raw kinuha nito ang cell phone niya at biglang naglaro ng kung anong game.

 â€œNoong tanungin siya ulit kung okay lang magpa-picture sa kanya, ang sagot ba naman, ‘Pag-iisipan ko.’ ’Tapos patuloy ang paglaro niya sa cell phone.

 â€œâ€™Di ba naman? Walang natitirang kabaitan sa buong katawan niya. Kaya hindi ako magtataka kung bakit nagkakanda-leche-leche na ang career niya,” sabi pa ng source namin.

Vin dismayado sa kaso sa ninakawang bahay, imbestigasyon wala pa ring nangyayari

Naikuwento ni Vin Abrenica na lilipat sila ng bagong bahay pagkatapos na mapagnakawan sila noong nakaraang Holy Week.

Hanggang ngayon ay wala pang resulta sa ginawang imbestigasyon sa kung sino ang nanloob sa bahay nila noong kasalukuyang nagbakasyon silang pamilya sa Batangas.

Ayon pa kay Vin, disma­yado ang kanyang kuya na si Aljur Abrenica dahil sa mabagal na pagresolba ng kanilang inireklamo sa awtoridad.

“Pina-follow up ito parati ni Kuya Aljur. Kaso wala talaga. Wala pa silang maisagot sa amin. Ikinakagalit nga ni kuya ay mag-iisang buwan na since nanakawan kami. Nag-dust pa sila for fingerprints. Pero after no’n, wala na kaming narinig pa sa kanila.

“Kaya sobra kaming disappointed talaga. Parang wala silang balak na hanapin kung sino ’yung nanloob sa bahay namin,” saad pa ni Vin.

Kaya nagkasundo sila ng kanyang Kuya Aljur na maghanap na lang sila ng bagong lilipatan na bahay.

“Hindi na kasi kami komportable sa bahay. Parang may malas na siya. Ako nga, feeling ko ay hindi na safe ’yung bahay. Kaya gusto na naming umalis. Nakahanap naman na kami ng puwedeng lipatan,” sabi ng mas nakababatang aktor.

Mabuti na nga lang daw at may bagong show si Vin sa TV5 na Misibis Bay. Kukunan ito sa bonggang luxury resort na Misibis Bay sa Bacacay, Albay in Bicol.

Makakasama ay sina Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Megan Young, Ritz Azul, Malak So Shdifak, Victor Silayan, Luke Jickain, at Vivian Velez.

This time ay anak-mayaman na ang gagampanan ni Vin, malayo sa unang teleserye niya na Never Say Goodbye.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BAHAY

BOOTS ANSON-ROA

HALIMAW

KAYA

KUYA ALJUR

MISIBIS BAY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with