^

Pang Movies

Movie nina Marian at Richard sa June na ipalalabas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

How true na na-move sa June 2013 ang playdate ng My Lady Boss ng GMA 7?

Sa April 10 ang showing sa nationwide theaters ng pelikula nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Postponed ang April 10 playdate at may balita nga na malilipat sa June ang showing ng My Lady Boss.

Ryzza Mae, rater talaga!

Mabibili na talaga ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang dream house sa Fairview, Quezon City dahil in demand siya ngayon.

Hindi na talaga puwedeng i-deny na si Ryzza ang pinakasikat na child star sa kasulukuyan dahil rater siya.

Kapag sinabi na rater, mataas ang rating ng mga show na inaapiran ng bagets na very smart at magaling magbasa, English man o Tagalog.

Showbiz personality na-offend nang hanapin ang gf

Hindi ko sasabihin ang name ng showbiz personality na na-offend sa harmless question ng isang bagets.

Sa true lang, harmless talaga ang question dahil tinanong ng bagets kung may girlfriend na ang showbiz personality.

Hindi sinagot ng showbiz personality ang question pero imbiyernang-imbiyerna siya.

Palaisipan sa mga saksi ang inasal ng showbiz personality na masyadong secretive sa kanyang love life.

Annabelle naka-blockbuster sa rally

Happy si Annabelle Rama dahil kumbaga sa isang pelikula, blockbuster ang proclamation rally niya sa Cebu City noong Sabado.

Feel na feel ni Bisaya ang pagmamahal sa kanya ng mga kababayan niya.

Proud din si Annabelle sa kanyang mga apo na sina Lorin at Venice na umakyat sa stage at kumanta.

Tumulong ang mga bagets sa panga­ngampanya ng kanilang lola.

Lumipad din sa Cebu ang magkakapatid na Ruffa, Raymond at Richard bilang suporta sa kanilang madir. Hindi puwedeng mawala sa proclamation rally ni Bisaya ang kanyang loving husband na si Eddie Gutierrez na full support sa pagpasok ng misis niya sa mundo ng pulitika.

Lovi hindi na umaapir sa Party Pilipinas

Hindi na napanood sa Party Pilipinas si Lovi Poe mula nang mag-expire ang contract niya sa GMA 7 noong March.

Lalong lumakas ang mga haka-haka na lilipat si Lovi sa TV5 dahil hindi na siya sumisipot sa Party Pilipinas.

Kasama si Lovi sa mga nangampanya para sa kandidatura ni Annabelle sa Cebu.

 

vuukle comment

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BISAYA

CEBU

CEBU CITY

EDDIE GUTIERREZ

LOVI

MY LADY BOSS

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with