^

Punto Mo

Maid of Honor (126)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Umorder ka ng gusto mo, Inah,’’ sabi ni Rocky nang lumapit sa kinauupuan nila ang babaing crew ng canteen.

Umorder si Inah ng kanin, kare-kare at softdrinks.

“Bakit yan lang, dagdagan mo,’’ sabi ni Rocky.

“Tama na yan Kuya, wala kasi akong gana dahil sa problema kay Inay.’’

“Alam ko na ang problema n’yo—perang pampa­o­pera ng inay mo ano?’’

“Paano mo nalaman, Kuya?’’

“Lihim akong nakasubaybay sa inyo—mula nang ihatid ka ni Pareng Honor hanggang isugod ang inay mo rito sa ospital. Hindi ako makapagpakita sa iyo dahil hinihintay ko ang instructions ng kapatid kong police general.’’

“Ibig mong sabihin Kuya, ikaw yung bumubuntot sa amin ni Kuya Honor nang ihatid ako sa bahay?’’

“Oo.’’

“Akala namin ni Kuya ­Honor, sindikato ang sumusunod sa amin.’’

“Patay na lahat ang sindikato pati ang leader nila na umabuso sa’yo. Kaya wala ka nang dapat ikatakot pa, Inah.’’

Napaiyak si Inah.

“Kahapon napatay ang lider ng sindikato nang tangkaing tumakas sa detention cell.”

“Bakit nga pala kailangang ipamalita na patay ka na Kuya at naagaw sa’yo ang pera?’’

“Strategy yun para lumutang ang mga miyembro ng syndicate. Nang lumutang saka sila pinagdadampot. Yung iba, lumaban at napatay. Ang dami nila! Pawang Chinese national. Ang hinala, ilan sa kanila ay nag-eespiya sa bansa. Tiyak na magla-lie low ang mga Tsekwa dahil top leader ang nadale kahapon.’’

Nagpahid ng luha si Inah.

“Kaya umorder ka pa ng pagkain dahil wala ka nang problema, Inah.’’

“Meron pa Kuya…’’

“Ano?’’

“Saan kami kukuha ng ­perang pambayad sa operation ni Inay? Kailangang operahan siya bukas para mailigtas sa kamatayan. Saang kamay ng Diyos kami kukuha ng kala­hating milyong piso?”

“Sabi ko sa’yo na huwag mag-worry. Mayroon kang reward na matatanggap dahil ikaw ang nakapagturo sa wanted na Chinese.’’

Hindi makapagsalita si Inah. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya inaasahan ito?

“At alam mo kung magkano ang reward sa’yo?’’

Hindi makapagsalita si Inah.

“Sampung milyong piso!”

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with