^

Punto Mo

472 MM cops, sibak!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bilang bahagi pa ring nang isinasagawang internal cleansing ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay, nabatid na may 472 Metro Manila cops ang nasibak sa serbisyo.

Ayon nga kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., na indikasyon ito ng kanilang pinaigting na kampanya upang mapanatili ang integridad at professionalism sa PNP.

Base sa datos, labingdalawa sa nasabing bilang ay sangkot sa ilegal na droga, ang ilan ay may kasong AWOL o Absent without Leave dahil sa hindi pagpasok ng 30 araw hanggang dalawang taon.

Bukod sa mga nasibak, mahigit din 700 MM cops ang nasuspinde o nademote sa serbisyo.

Bukod pa sa 1,226 personnel na nahaharap sa kasong administratibo.

Sa kabuuan naman, nasa 2,500 na mga kasong may kaugnayan sa pulis ang naresolba na rin ng NCRPO kung saan kalahati rito ay abswelto.

NCRPO pa ‘yan kung saan ang mga kaso ayon pa kay Nartatez ay nakalagay sa dalawang container van sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan.

Paano pa kapag isinama na ang iba pang kaso sa iba’t ibang rehiyon o sa buong bansa.

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang ganitong paglilinis, matira ang matitino.

Sa pagpapalit naman sa kakailanganing bilang dapat ding maging maingat.

Dapat sa recruitment pa lang masala na nang husto, para hindi na malusutan.

Mas mahirap kapag nasa loob na saka maglilinis, dapat sa mga aplikante lang salain na nang mabuti nang hindi na mamroblema pa sa huli.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with