^

Punto Mo

EDITORYAL - Singilin ang delinkuwenteng POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Singilin ang delinkuwenteng POGOs

MABUTI naman at nilagdaan na ni President Duterte ang Republic Act 11590 na nagpapataw ng karagdagang buwis sa Philippine Offshore Ga-ming Operators (POGOs). Ang malilikom na buwis sa POGOs ay makakatulong sa programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pandemya. Inaasahan na makakalikom nang malaking buwis sa POGOs.

Ang paglagda sa batas ay nataon naman sa pag-uutos ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Amusement and Gaming Corporations (PAGCOR) na singilin ang mga delinkuwenteng POGOs sa pagkakautang ng mga ito. Nahalungkat ng COA na mayroong utang na P1.3 bilyon ang POGOs sa pamahalaan.  Ayon sa COA, hindi kumikilos ang PAGCOR para singilin ang POGOs. Ayon sa COA report, mula pa 2017 ang utang ng delinquent POGOs.

Ayon pa sa 2020 audit report, lumipas na ang tatlong taon pero hindi nagbabayad ang POGOs at walang ibang napagkaitan dito kundi ang PAGCOR mismo. Saan anila kumukuha ang PAGCOR ng pantustos sa kanilang operasyon kung hindi nagbabayad ang POGOs. Dapat maging maigting ang Pagcor sa paniningil sa POGOs. Ayon sa report, 15 POGOs ang delinkuwente.

Nalaman din ng COA na walong POGOs na ang nakansela ang lisensiya dahil sa pagiging delinkuwente pero patuloy pa rin ang operasyon. Patuloy na kumikita sa kabila na wala nang lisensiya. 

Nakapagtataka kung bakit hinahayaan ng PAGCOR na makapag-operate pa ang mga inalisan ng lisensiya. Maaaring hindi lamang walo ang patuloy na nag-ooperate kahit walang lisensiya. Maaring hindi rin nakarehistro sa Bureau of Internal Re-venue (BIR) ang mga POGOs. Nakarehistro nga sila sa PAGCOR pero hindi sa BIR. Malaking pera kung ganun ang nananakaw ng POGOs dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Sabi ng pamahalaan, ang ibinabayad na tax ng online gambling operators ang ginagamit para mapondohan ang mga proyekto ng gobyerno lalo na ang “Build, Build, Build, Program”. Pero ngayong marami pala ang hindi nagbabayad paano ang programa? Paano matatapos kung mga delinkuwente sa pagbabayad.

Ngayong may bagong batas na nagpapataw ng karagdagang buwis sa POGOs, lalong dapat maging masikhay ang PAGCOR sa paniningil. Baka ang mangyari ay lalong dumami ang delinkuwente.  Habulin ng PAGCOR ang mga delinkuwenteng POGOs at pagbayarin na.

 

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with