^

Police Metro

Sasakyan swak sa ilog: Sundalo, 2 CAFGU dedo

John Unson - Pang-masa
Sasakyan swak sa ilog: Sundalo, 2 CAFGU dedo
Ang nahulog na Army KM450 sa ilog na naging sanhi ng pagkamatay ng isang sundalo at dalawang militiamen nitong Sabado sa New Bataan sa Davao de Oro.
John Unson

MANILA, Philippines — Isang sundalo at dalawang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit ang nasawi habang anim na iba pa ang malubha nang mahulog kanilang sasakyan sa isang ilog sa gilid ng highway sa Brgy. Andap, New Bataan, Davao de Oro nitong umaga ng Sabado.

Sa ulat kahapon ng New Bataan Municipal Police Station at ng Police Regional Office-11 ay biglang namatay ang makina ng Army KM450 light truck ng 25th Infantry Battalion na sinasakyan ng mga biktima habang paakyat sa isang mataas na lugar kaya nawalan ng kontrol ang driver nito at umatras ng mabilis at nahulog sa ilog sa gilid ng highway.

Nasawi ang driver ng KM450 na si Private 1st Class Jaynor Makakua, isang Maguindanaon Moro, at dalawang mga kasapi ng Cafgu na sina Reynald Balaga at Ferlan Concepcion.

Ang mga nasugatan ay sina 1Lt. Fidel Castro Jr., Sgt. Michael Arzaga, Cpl. Emil Joy Mission, Pvt. Jonel Alvarado at ang CAFGU members na sina Jay-Ar Bale at Ardel Castro.

vuukle comment

DAVAO DE ORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with