^

Police Metro

P3 dagdag-pasahe sa jeep, hirit

Angie dela Cruz - Pang-masa
P3 dagdag-pasahe sa jeep, hirit
Inaayos ng isang kawani ng gasolinahan sa Quezon City ang bagong presyo ng produktong petrolyo matapos na ito ay nagtaas kahapon ng umaga na ikalimang beses sa magkasunod na linggo.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ilang transport groups ang humirit ng dagdag na P3 provisional increase sa minimum fare sa jeep sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dulot anya ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Kabilang sa P3 pro­visional increase ang P1 na­itaas kamakailan ng LT­FRB sa passenger jeep­neys sa Metro Manila, Central Luzon at sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal Quezon) gayundin sa Mimaropa (Oriental Mindoro, Occi­dental Mindoro, Marinduque, Romblon and Pa­lawan).

Sa petisyong inihain sa LTFRB ng  1UTAK, Pa­sang-Masda, ALTO­DAP at ACTO ayt isinu­sulong nila ang implementasyon­ na gawing nationwide ang P1 provisional increase mula sa LTFRB noong Hunyo 8 para sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Central Luzon at ang P2 provisional increase sa lahat ng public utility jeepney (PUJs) sa buong Pilipinas.

Nakasaad sa kanilang petisyon na dahil tumaas na ang sahod ng mga mang­gagawa ay marapat lamang na maitaas na rin ang sapat na taas na pa­­sahe sa mga pampasaherong jeep.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with