Time For Glory nagdomina sa PSA Cup
MANILA, Philippines — Bumilib ang mga karerista kay Time For Glory matapos manalo sa 2022 PHILRACOM “Philippine Sportswriters Association, (PSA) Cup noong Linggo na nilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, umoras ang dehadong si Time For Glory ng 1:39.4 minuto sa 1,600 meter race sapat upang sikwatin ang P300k premyo
“Malakas yung nasa unahan pero nandoon na agad yung ability niya. So sin-swing ko at nag-tuluy-tuloy na siya,” ptungkol ni Zarate sa kanyang sakay na pag-aari ni Felizrdo “Jun” Sevilla Jr.
Sumegundo sa laban si Shastaloo na nasungkit ang P112,500 habang P62,500 ang hinamig ng third placer na si Super Ninja sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, nirendahan din ni Zarate si Boss Emong at naipanalo niya ito sa “Gran Copa De Manila” sa nasabing araw.
“With the overwhelming success of today’s races, we will make every effort to hold this race meet every year. Congratulations to all the winners,” ani de Leon.
- Latest