^

PM Sports

Fajardo bumida sa Gilas vs Vietnam

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ni June Mar Fajardo at ng Gilas Pilipinas matapos birahin ang host na Vietnam, 88-60, para mapanatili ang perpektong kampanya sa umiinit na 31st Southeast Asian Games sa Thanh Tri Gymnasium kagabi sa Hanoi.

Halos hindi sumablay sa Fajardo sa impresibong 10-of-12 shooting tungo sa 25 markers sahog pa ang 11 rebounds para sa Gilas na umariba sa 4-0 sa tuktok ng SEA Games standings.

May tig-12 puntos din sina Kiefer Ravena at Lebron Lopez habang nakaiskor ang lahat ng iba pang Nationals sa 28-point ng Gilas.

Nauna nang tinalo ng Gilas ang Thailand, Cambodia at Singapore upang mamuro sa gold medal papasok sa huling dalawang laban kontra sa Malaysia at Indonesia.

Tangka ng Gilas, sa gabay ni coach Chot Reyes, na maiuwi ang ika-14 sunod at ika-19 kabuuang gintong medalya ng bansa sa regional b­iennial meet matapos ding walisin ang 2019 edition na idinaos sa Pilipinas.

Samantala, nagpaulan ng tres ang Gilas Pilipinas women sa pangunguna ni Khate Castillo tungo sa biga­ting 118-87 tagum­pay kon­tra sa host Vietnam.

Nag-apoy sa pitong tres si Castillo para sa kabuuang 25 puntos upang giyahan ang 31-point win ng Nationals na hindi i­ninda ang homecourt advantage ng SEA Games host.

Ito na ang ikatlong su na panalo ng Filipinas.

 

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with