^

Pang Movies

Full House ang hawak na baraha...   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Full House ang hawak na baraha...              
Dingdong

Punung-puno ang schedule ni Dingdong Dantes ngayon dahil na rin sa rami ng shows niya sa GMA 7. Napapanood siya sa Amazing Earth na nasa ika-4 na taon na ngayon, sa game show na Fami­ly Feud at sa sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa kasama ang asawang si Marian Rivera.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng aktor sa mga blessings na ito at sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

“Literal na Monday to Sunday, meron akong ginagawa, eh,” masaya niyang wika sa virtual mediacon para sa 4th anniversary ng Amazing Earth.

“Kung hanggang kailan na magiging everyday ako, hindi ko rin alam, pero sabi nga nila, ‘di ba, you just make the most out of the cards you are dealt with and for me, parang obviously, full house‘yung hawak ko ngayon, so ang maipapangako ko lang talaga, eh gagalingan ko‘yung paglaro nitong full house na ito.

“So, it’s really hard work and always give your best regardless kung konti man o marami ‘yung trabaho. Kailangan, ganu’n pa rin ‘yung amount ng dedication and energy na ibibigay mo sa bawat segundong nasa telebisyon ka.

“And para sa akin, sobrang ipinagpapasalamat ko na nabigyan ako ng tiwala na nabigyan ako ng mga ganitong programa,” he said.

Kaya naman, ang paggawa ng teleserye ay hindi pa muna maasikaso ni Dingdong pero may good news siyang binitiwan para sa lahat ng fans niya na nag-aabang nang mapanood siya sa isang TV series.

He confirmed na may inaayos nang materyal para sa isang teleserye na gagawin niya pero mukhang next year na raw ito mapapanood dahil hindi na abot for this year.

Hindi pa sinabi ni Dingdong kung anong klaseng teleserye at kung sino ang makakasama niya.

Samantala, ang four-part anniversary special ng Amazing Earth ay mapapanood simula July 10 sa GMA 7.

Angeli, hindi takot pagsawaan

Masayang-masaya si Angeli Khang sa nangyayari sa career niya ngayon na, of course, ay utang niyang lahat sa Viva Films na patuloy siyang binibigyan ng proyekto.

Ngayon ay may bago na naman siyang proyekto, ang series na Wag Mong Agawin ang Akin kung saan ay kasama niya sina Jamilla Obispo, Felix Roco, Arron Villaflor, Yayo Aguila, Josef Elizalde, Angelica Cervantes at Lara Morena mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

When asked kung hindi ba siya natatakot na magsawa ang viewers sa kanya, ani Angeli, “hindi ako takot na magsawa sa akin ang mga tao kasi, I know that I can do more, I’m doing my best and as long as I have the potential and the passion of what I’m working as an actress, I’ll keep on doing it.”

Actually, ayon kay direc Mac, nakita raw niya ang improvement ni Angeli sa trabaho simula nang una silang magkasama sa Silip sa Apoy. “Mas aware na ngayon si Angeli sa kanyang craft at mas sensitive siya sa paligid niya, sa mga tao, sa ginagawa niya in connection sa craft niya kaya naman makikita mo ang pagganap niya patuloy na lumalawig.

“I cannot say na malaki o maliit ang improvement, ang mahalaga naisasapuso niya ang ginagawa niya. Mas masusi ang kanyang pag-aaral sa mga character na pino-portray niya at damang-dama ko ang sipag sa trabaho niya,” papuri ni direc Mac.

Magsisimula na ang Wag Mong Agawin ang Akin sa Vivamax sa July 31, 2022, with fresh episodes tuwing Linggo.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with