^

Pang Movies

Bianca, agaw-eksena sa Birthday ni Ruru

Gorgy Rula - Pang-masa
Bianca, agaw-eksena sa Birthday ni Ruru

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng simpleng celebration si Ruru Madrid sa kanyang 24th birthday nung nakaraang Sabado na ginanap sa Kaulayaw Café sa Antipolo.

Siyempre, agaw-eksena roon si Bianca Umali na dumalo sa kanyang sa celebration. Kaya ang tanong ng fans, sila na ba uli o wala naman talagang breakup na nangyari? Ang sabi naman ng ilang taong malapit sa dalawa, friends na lang daw muna sila. Pero medyo nakakalito na dahil marami na rin ang nagsabi sa aming break na talaga silang dalawa, at nagkabalikan lang.

Kung napapansin nga sa kanilang Instagram account ay wala na roon ang ilang litratong magkasama silang dalawa. Mukhang hindi naman sila magsasalita tungkol diyan, dahil hindi naman talaga sila umaming opisyal na naging sila.

Sa isang banda, nabuhay at tuwang-tuwa ang mga KyRu fans dahil matutuloy na raw ang pagsasama ng dalawa sa isang episode sa Regal Studio Presents.

Kahapon na sila nagpa-swab dahil nakatakda na ang taping sa susunod na linggo. Kaya may pakilig naman si Kylie Padilla na nag-tweet ng birthday message niya para kay Ruru Sabi niya sa lengwaheng Encantada; “Hasne Ivo Live ybrahim aking mahal. Ay Ru pala. (laugh emoji).” Wala naman daw si Kylie doon sa birthday party ni Ruru.

Rita, nagpapayat na

Nakatsikahan namin si Rita Daniela nung nakaraang Biyernes sa story confe­

rence ng bago niyang pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-asa. Kapansin-pansin ang malaking nabawas sa kanyang timbang.

Talagang kinarir daw niya ang pagpapayat dahil hindi na rin daw siya natutuwa nung minsang pinanood daw niya ang sarili sa TV. Kaya may sarili siyang diet na sinusunod, at sinusubukan niyang isingit ang pag-exercise.

Pero sisimulan na niya ang shooting ng movie project na ito na kung saan makakasama niya sina Jak Roberto at Albie Casinño, sa ilalim ni direk Joel Lamangan. “Siyempre po naintindihan ko na nasa showbiz ako and isa ‘yun sa parte ng job ko to stay fit,” pakli ni Rita.

Pero bukod diyan, kaya raw niya kailangang pumayat dahil meron daw siyang peg na gown na isusuot niya sa awards night ng Metro Manila Film Festival sa Dec. 27. Kasali ang pelikulang Huling Ulan sa Tag-araw nila ni Ken Chan na entry ng Heaven’s Best Entertainment at dinirek ni direk Louie Ignacio.

“Mahirap siya talaga na baguhin, na magbawas. Pero masaya po ako ‘pag may nagsasabi po sa akin, at nakakapansin na nag-lose ako ng weight. Kasi, worth it kung ano man ‘yung ginagawa ko,” sabi pa ni Rita.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with