^

Pang Movies

Regine, rumesbak sa namimintas ng kanyang free concert!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Regine, rumesbak sa namimintas ng kanyang free concert!

Hindi nakapagpigil si Asia’s Songbird Regine Velasquez at niresbakan ang bashers ng kanyang Turtleneck Sesh sa YouTube. Ito ay palibreng concert niya sa kanyang channel na sinimulan niya last month kasama ang mister na si Ogie Alcasid.

Bagama’t maraming fans niya ang natutuwa’t nag-e-enjoy sa kanyang free concert, may mga mangilan-ngilan na nagkokomento ng hindi maganda.

Ang nakapikon kay Regine ay ang mga nagkokomento at nagrereklamo na huwag na raw isali pa si Ogie sa kanyang session.

Kaya naman sinagot sila nang bonggang-bongga ni Regine sa Twitter.

“Disclaimer; yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos mag tweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!! Para ang laki nag binabayad nyo sa asawa ko ha!!!! Libre lang kaya walang basagan ng trip!!!!” tweet ni Regine na halatang imbyerna.

Kinampihan naman si Songbird ng kanyang fans at sinita rin ang bashers na walang magawa.

“Sarap nga suntukin nga eh ok lang naman kung mambash kayo pero d tama na ganyanin nyo si kuya mga bwesit hay highblood na ko dito,” komento ng isang fan.

Ang iba naman ay pinayuhan si Regine na dedmahin na lang ang bashers at ‘wag na magpa-stress.

“Wag kana mag pa istress Ate hayaan ninyo nalang po sila si God na po bahala sa kanila love ka namin ate keep safe po,” sey naman ng isa niyang supporter.

Pero mukhang naapektuhan talaga si Regine sa bashings dahil maya-maya lang matapos itong i-tweet ay nag-live session si Songbird sa YT at kapansin-pansin na hindi na kasama si Ogie although maririnig ang boses nito offcam na nag-a-assist pa rin sa misis.

Kathniel, babalikan ang umpisa nila

Isang eksklusibong documentary sa YouTube ang regalo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang fans para markahan ang isang dekada nila ng pagbibigay-saya at kilig bilang ang pinakasikat na love team sa bansa. Sisimulan ng docu na ito ang year-long celebration ng ikasampung anibersaryo ng KathNiel.

Pinamagatang KathNiel: Isang Dekada, mapapanood ito ngayong Sabado (Setyembre 25), 6 p.m. sa Everyday Kath YouTube channel (youtube.com/everydaykath) ni Kathryn. Talaga namang made with love ang naturang docu dahil mismong KathNiel ang nag-produce nito.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with