^

Pang Movies

Mister palaban na sa labas ng ring Jinkee, inaabangan kung magiging first lady!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Bukod sa pagsalubong kay Lovi Poe bilang pinakabagong Kapamilya, panggulat din kahapon sa ASAP Natin ‘To si Mr. Raffy Tulfo na nakipag-duet kina Zsa Zsa Padilla and Nina.

Feeling surreal daw siya dahil dati rati ay pinapanood niya lang ito. “Parang hindi kapani-paniwala,” sabi ng sikat na TV5 host kina Zsa Zsa and Gary Valenciano after ng song number nila.

Nag-dialogue rin siya na : “Mga Kapatid, andito ako sa Kapamilya. Magsama-sama tayo para lalong lumakas ang ating puwersa,” aniya pa.

May nagkumpirma na tuloy na ang laban ni Mr. Raffy in Action sa senado.

Yes, as independent candidate. Wala diumano itong sasamahang partido.

Wow, eh kung gumawa kaya sila ng grupo ni Willie Revillame kasama si Rep. Lucy Torres.

At least sila, sigurado tayo na uunahin ang pagtulong at hinding-hindi mangu­ngurakot at mag-aaway-away dahil mga bilyonaryo na sina Mr. Raffy and Willie habang si Rep. Lucy, madasalin, takot sa Diyos.

Naku push na ‘yan.

Anyway, kahapon ay nag-declare si Sen. Manny Pacquiao sa kandidatura sa pagka-presidente. Pero wala pa akong nakitang ka-teammate niya or senatorial line ng PDP-Laban. “I am a fighter. I’m always a fighter inside and outside the ring,” sabi ng mister ni Jinkee Pacquiao.

Ang tanong, maging first lady kaya si Jinkee?

Whew, talagang ito na, may election fever. Pero parehistro muna kayo para makaboto.

Kasi kahit maki-trending ka pa, wala kang magiging boses sa mamumuno sa atin sa susunod na anim na taon kung ‘di ka naman boboto.

Bianca, hindi sinira ang friendship nila ni Toni!

Pinasalamatan si Bianca Gonzalez ng mga sumusuporta sa mga biktima ng Martial Law sa pagtindig nito sa panig nila.

Ito ay matapos ngang maging kontrobersyal ang interview ng malapit niyang kaibigan at kasamahan sa Pinoy Big Brother na si Toni Gonzaga sa ninong nila sa kasal ni Direk Paul Soriano, si former Senator Bongbong Marcos.

Marami kasing nagtatanong kay Bianca bakit tahimik siya sa kabila ng ginagawang ‘diumano’y’ propaganda ni Toni para gumanda ang imahe ng anak ng dating pangulo ng bansa samantalang kilalang ‘palaban’ si Bianca.

Kaya naman sumagot siya na kinausap niya si Toni privately at naniniwala siya na may kanya-kanyang pananaw ang bawat tao.

“Many of you have been tagging me. My stand has always, ever since, been very public : #NeverForget and #NeverAgain.

“I might have even seen some of you out at the rallies. I’ve gotten message asking, “Bakit tahimik ka sa issue??’ As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly. Because for me, that is what a true friend would do.

“Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.”

On point, right. Hindi kailangang idaan sa social media ang lahat lalo na kung kaibigan mo.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with