^

Pang Movies

Vice may bwelta sa ginawa ni Ate Gay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice may bwelta sa ginawa ni Ate Gay!

Inamin ni Vice Ganda na na-hurt siya sa mga netizen na nang-bash sa kanya matapos siyang tumulong sa isang tao. Bagama’t hindi na tinukoy ng TV host/comedian kung sino ang taong ito, obvious na si Ate Gay ito na matatandaang tinulungan niya noong ma-hospital ito.

“May natulungan ako. Hindi ko pinagmalaking tinulungan ko pero ‘yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya. Tapos nilabas niya kung magkano ‘yung tinulong ko sa kanya. Tapos nabasa ko sa mga comments, ‘Ha? Ganon lang pala binigay ni Vice Ganda, 20,000 lang?” pahayag ni Vice Ganda sa episode ng It’s Showtime.

Patuloy pa niya, “napalunok ako, kapag ako ba ‘yung tumulong dapat may presyo?, Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo ‘yung pangalan ko, tapos inokray pa ako ‘bakit 20,000 lang ang binigay?’ Nasaktan ako.”

It could be recalled na inilabas nga ni Ate Gay ang mga pangalan ng lahat ng tumulong sa hospital bill niya noong nagkasakit siya last April at isa nga rito si Vice. Nakalagay rin ang presyo kung magkano ang ibinigay nito.

Pero minasama pa ito ng ibang tao at naliitan pa sa kanyang tulong.

“Kapag hindi ka tumulong parang ang sama sama mo, ‘pag tumulong ka kukwestyunin pa,  ‘bakit yun lang tinulong mo?’ That hurts,” ani Vice.

 Humingi naman kaagad si Ate Gay ng paumanhin matapos ang paglalabas ng hinanakit ni Vice.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang nagkausap daw sila ni ate Gay at ipinararating kay Vice Ganda ang pagso-sorry nito.  “Kausap ko siya (Ate Gay), tapos sinabi niya na ‘uy, pakisabi naman kay Vice, I’m very, very sorry. Patawarin niya ako. Alam kong pangit ang ginawa ko pero gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ko na uulitin,’” kwento ni Ogie.

Robin, tatlong posisyon ang pinagpipilian

Ang akala namin ay nakapagdesisyon na si Robin Padilla na hindi niya papasukin ang politika. Matapos nga kasing mapabalita na kasama siya sa Senatorial slot ng administrasyon ay nagpahayag siya na wala raw siyang balak tumakbong Senador at gusto raw niya ng tahimik na buhay sa piling ng pamilya.

  Pero sa kanyang recent Facebook Live na may titulong “Pelikula O Pulitika,” obviously ay hindi pa tapos magdesisyon si Binoe dahil aniya ay labis daw siyang naguguluhan ngayon.

Sobra akong naguguluhan ngayon, todo akong naguguluhan. Pinakamabigat na desisyon na yata itong mangyayari sa buhay ko,” saad ni Binoe.

Hindi makapagdesisyon ang action star kung tatakbo ba siyang Senador o Gobernador ng Camarines Norte o alkalde ng Jose Panganiban ng naturang lalawigan.

“Binalak kong tumakbo sa Camarines Norte bilang governor pero na-shock ako doon sa gastos. Hindi ko kaya ‘yun. P150 million, saan naman ako kukuha non?” aniya.

“Pero sa kalagayan ng mga tao ngayon sa Camarines Norte, wala na talagang inangat ang buhay ng tao. Nag-iisip talaga ako kung ano ba ang desisyon na gagawin ko,” sey pa niya.

Kung tatakbo naman daw siyang Senador, maisusulong niya ang matagal na niyang minimithing Pederalismo sa ating bansa.

Kasi alam n’yo, kung meron talagang gamot sa korapsyon, pederalismo ‘yun. ‘Yun lang, wala na tayong iba kasi itong sistema na ‘to ng gobyerno na ‘to, nandito lahat ng klase ng korapsyon,” paliwanag ni Binoe.

Kung sakali naman daw na tatakbo siyang Mayor ng Jose Panganiban na dati ring posisyon ng kanyang yumaong ama, nais niyang paunlarin ang bayan at marami siyang proyektong nasa isip.

“Dyan po sa Jose Panganiban, sa Bicol. Kapag nagkaroon po tayo ng high-tech na port dyan, airport at seaport ay madedevelop po ‘yan. Kapag nadevelop po ‘yan ay magkakaroon ng magandang kinabukasan unang-una ang mga taga-Camarines Norte,” saad ng aktor.

Kung sakali namang hindi siya kakandidato ay may offer daw sa kanya na gawin ang Bad Boy 3 at Mistah 2 na pareho raw napakalaking pelikula. Kaya naman humihingi siya ngayon ng tulong sa netizens kung politika o pelikula.

“Kaya kayo na lang po ang tatanungin ko, mga mahal kong kababayan, kung ano sa palagay niyo ang dapat kong gawin. Kayo na po ang magdesisyon kung sa pulitika tayo o pelikula,” mensahe ng aktor sa mga netizens.

Sa ngayon ay may 10,000 comments na ang video at hati ang opinyon ng mga tao. May nagsasabing sa showbiz na lang siya dahil magulo ang politika, may nagpapayo namang tumakbo siyang Senador. May nagsabi rin na pwede naman niyang pagsabayin ang showbiz at politics.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with