PBAPC Japa Cup binuhay
MANILA, Philippines — Matapos ang higit sa isang dekada ay magbabalik ang PBA Press Corps Japa Cup sa eksena para sa 2024 edition ngayong araw sa Ninoy Aquino Stadium.
Inihahandog ng Burlington, ang torneo na ipinangalan sa namayapang si PBAPC first ever president Raffy Japa ay magtatampok sa 11 teams na sasalang sa single round robin.
Unang inilaro ang Japa Cup noong 1992.
Unang maglalaro ang PBA Press Corps kontra sa BTS (Blue Boys-Table, Stats) sa alas-10 ng umaga kasunod ang banatan ng Ginebra at MVP Group sa alas-11:30 ng tanghali.
Bago ito ay isang simpleng opening ceremony sa alas-9 ng umaga ang pamumunan ni Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann kasama sina PBA Chairman Ricky Vargas, PBA Commissioner Willie Marcial, SMC Sports Director Alfrancis Chua, First Vice President Channels and Content Management Cignal TV Sienna Olaso, Philippine Sportswriters Association President Nelson Beltran at pamilya ni Raffy Japa.
Ang top two teams ng bawat grupo ang aabante sa knockout semis at ang mananalo ang maglalaban sa korona sa isang winner-take-all match.
- Latest