^

Pang Movies

Klea, ‘di bet ni Jenine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Klea, ‘di bet ni Jenine
Janella Salvador at Klea Pineda
STAR/ File

Nagbabaga ang Halloween ganap ng  mag­jowang Janella Salvador at  Klea Pineda sa kanilang pictorial. Wala nang tinatago ang dalawa at madalas pa nga

silang nagpapakita ng ka­sweet­an sa mga pino­post  nilang video na minsan ay kasama pa ang anak ni

Janella. Happy and in love ang mga post nila sa beach at  kung saan­saan pa. Ang tinatanong lang ng ibang fans ni Janella ay  kumusta naman kaya ang mommy niyang si Jenine

Desiderio na noon daw ay ayaw sa same­sex relation­ ship ayon sa source.

Tho wala ngang makikitang nag­post ito na  kasama si Klea.

Galit daw noon ito, hindi lang alam ng  nagkuwento kung tanggap na nito sina Janella at Klea ngayon

Anne, hindi minahalan ang paupa ng unit kay Kris!

Sobrang thankful si Kris Aquino kay Anne Curtis na isa rin sa tumutulong sa kanya at sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby Aquino sa pamamagitan ng pagpapaupa ng is

PARA KAY JANELLA?! Nagbabaga ang Halloween ganap ng mag-jowang Janella Salvador at Klea Pineda sa kanilang pictorial.

Wala nang tinatago ang dalawa at madalas pa nga silang nagpapakita ng ka-sweet-an sa mga pino-post nilang video na minsan ay kasama pa ang anak ni Janella.

Happy and in love ang mga post nila sa beach at kung saan-saan pa.

Ang tinatanong lang ng ibang fans ni Janella ay kumusta naman kaya ang mommy niyang si Jenine Desiderio na noon daw ay ayaw sa same-sex relationship ayon sa source.

Tho wala ngang makikitang nag-post ito na kasama si Klea.

Galit daw noon ito, hindi lang alam ng nagkuwento kung tanggap na nito sina Janella at Klea ngayon. ANNE, HINDI MINAHALAN ANG PAUPA NG UNIT

KAY KRIS!ang property nito sa kanila at a special rate.

Sa panayam ng Queen of All Media sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinun­yag niya na kasalukuyan silang umuupa sa isang unit na pag-aari ni Anne. Pero ang nakakatuwa, binigyan daw sila ng aktres ng tinatawag niyang “ninang price.” “We’re leasing where we’re staying. It’s the unit of Anne Curtis and it was given at a ninang price because ninang siya ni Bimb,” tsika ni Krisy.

“Maswerte kami talaga in that aspect kasi we need to be within 30 minutes of a tertiary hospital,” sey pa niya.

Bukod sa kanyang living arrangements, napag-usapan din nila ng host na si Boy Abunda ang malaking gastusin na kaakibat ng kanyang medical treatments.

“So medicine is not as expensive here as it would be abroad pero ‘di hamak mas marami kang pagpipilian in the States.

“I was very fortunate na nu’ng kumuha ako ng insurance for myself and the boys, I only had hypertension so covered ito.

“Pero mabigat – mahal ‘yung premium na binabayaran ko for that but at least it does take care for a lot of the bills,” sey ni Kris.

“Pero, mahal siya because I need 24-hour na nurses – kailangan two at a time because naka-ilang bagsak na ako,” dagdag pa niya..

Pero thankful naman siya na nandiyan din ang mga kapatid niya para tulungan siya sa mga madugong gastos ng pagpapagamot. Natutuwa rin siya na may mga bagong endorsement siya na malaking tulong din sa kanyang medical expenses.

“Mahal na mahal siya (gamutan) and I have to thank my siblings because it’s been a family thing.

“I was so proud na nu’ng itong September kasi may mga endorsements ako na pumasok. I said, you only have to share one-third na lang, two-third kaya ko na,” tsika niya.

Klarisse, ‘di na alam kung paano kakanta!

Hindi pa rin lubos na matanggap ni Klarisse de Guzman ang biglaang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina na si Esnobie de Guzman.

Kinumpirma ng Kapamilya singer ang pagpanaw ng kanyang ina noong Oct. 24, 2026, ilang araw matapos siyang humingi ng prayers at support mula sa publiko para sa kalagayan nito noong Oct. 20.

Sa panayam ng ABS-CBN, ibinahagi ng singer na hindi nila inaasahan ang biglaang pagkawala ng kanyang ina. Ayon sa kanya, nasa Ormoc siya noon para sa isang event nang makatanggap siya ng tawag na hindi na raw magising ang kanyang mommy habang sumasailalim sa dialysis.

“Ongoing ‘yung dialysis niya, siguro nakaka-one hour pa lang. Hindi magising, then vinideo call ko, nakita ko ‘yung hitsura niya na iba, iba ‘yung hitsura ni Mama, then ginaganu’n (ginigising) siya ng mga nurse, tina-try siyang... hindi ko alam kung anong ginagawa. Pero hindi siya talaga magising,” paggunita ni Klarisse.

“Hanggang sa nakita nga na parang hindi okay ‘yung BP niya, and then, dinala na agad siya sa ICU and intubated na agad siya,” patuloy niya.

Sa CT scan ay nakita raw na na-stroke ang kanyang ina at nagkaroon ng blood clot sa brain na naging dahilan ng pagpanaw nito.

Ang bilis daw ng pangyayari at hanggang ngayon daw ay hindi pa siya makapaniwala.

“Hanggang ngayon, parang lumulutang pa rin ako. Feeling ko, ‘totoo ba ‘to? Wala na ‘yung mama ko,’” pahayag ng singer.

Sa mabigat na pagsubok na pinagdaraanan niya ngayon, ipinagpapasalat naman niya na nandiyan sa tabi niya ang girlfriend na si Christina “Trina” Rey.

“Buti na lang, nandiyan din po si Trina na kasama ko. At least, medyo gumagaan, mayroon akong napagsasabihan, mayroon nagko-comfort sa akin,” aniya.

Hiling ni Klarisse na sana’y makayanan niya ang panibagong dagok na ito matapos ang pagpanaw ng kanyang ama na pumanaw noong 2025.

“Hindi ko alam kung paano ako kakanta, kasi hindi pa po ako totally nakaka-recover sa father ko, hirap na rin ako minsang kumanta ng mga ballad songs, ‘eto na naman tayo. Sana, makayanan ko. Magpa-Pasko pa,” aniya.

“Para gumaan lang ‘yung pakiramdam ko, iniisip ko na lang na magkasama na sila, wala na silang sakit, hindi na sila magda-dialysis, hindi na sila tuturukan ng kung anu-ano, hindi na mahihirapan,” pahayag ng singer.

 

 

KLEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with