NU dadalawahan Adamson
MANILA, Philippines — Pakay ng National University na mapanatili ang magandang laro sa first round sa pagharap nila sa Adamson University ngayong araw sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Blue Eagle Gym.
Determinadong bumawi mula sa kabiguan noong nakaraang season kaya gusto ni NU head coach Jeff Napa na manatili ang magandang laro ng kanyang mga bataan.
“Siyempre, ‘yung resilience pa rin. ‘Yung grit and grind namin, nandoon pa rin. ‘Yung identity talaga namin, hindi mawawala ‘yun. Kailangan lang namin ma-emphasize namin as coaches,” ani Napa.
Magsisimula ang banatan ng Bulldogs at Soaring Falcons sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng labanan sa pagitan ng Far Eastern University at Ateneo sa alas-2:30 ng hapon.
Nais ng NU na duplikahin ang 85-66 panalo nila laban sa Adamson sa una nilang pagsabak sa first round noong Oktubre 7, kasalakuyang tangan nila ang 5-2 record.
Malaki pa ang tsansa ng Adamson sa karera para sa Final Four matapos magtala ng 4-3 baraha sa unang round, pero aminado si head coach Nash Racela na haharap sila sa mas matinding hamon sa ikalawang bahagi ng eliminations.
- Latest


















