Bodega ni-raid sa Cavite:P20 milyong ilegal na bigas samsam
CAVITE, Philippines — Sinalakay ng awtoridad ang isang bodega na naglalaman ng mga ilegal na imbakan nang sako-sakong bigas sa bayan ng Naic, dito, kamakalawa.
Base sa ulat, isinagawa ang raid ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-RFU 4A), Bureau of Customs (BOC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA)-4A nitong Lunes sa isang malaking bodega sa Brgy. Malainen Bago, Naic.
Pagdating ng grupo, tumambad sa kanila ang may 16,492 na sako ng bigas na nagkakahalaga ng P20 milyon.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na pag-iimbak at hinalang paghahalo ng imported na bigas sa mga lokal na ani.
Binigyang diin ni PNP chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. na patuloy ang pakikipagtulungan ng pulisya sa iba pang ahensya ng gobyerno upang sugpuin ang mga gawaing sumisira sa patas na merkado at naglalagay sa panganib sa kalusugan ng mga konsyumer.
- Latest

























