Sanchez pinalubog 50 meter backstroke record ng Pinas
MANILA, Philippines — Nagtala si Kyla Sanchez ng national record pero hindi sapat upang sumampa sa podium sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games na ginanap sa Tokyo Aquatics Center sa Japan kahapon.
Sa katunayan, dalawang beses na bumasag ng record ang 25-anyos na si Sanchez sa loob ng isang araw subalit kinapos pa rin itong mag-uwi ng medalya.
Nirehistro ni Sanchez ang 28.19 segundo sa women’s 50-meter backstroke sa final, subalit tumapos lamang ito ng pang lima.
Nilista ni Sanchez ang 28.24 seconds sa preliminaries, ang naturang tiyempo rin nito ang bumura sa nakaraang national standard na 28.47 seconds na kanyang naiposte sa 2025 Southeast Asian (SEA) Games sa Thailand.
- Latest






















